Chapter 35 Suffer

25.1K 719 18
                                    

Zerux's POV

"God's slayer?...Moon's Knight? ...."sambit ko sa aking sarili at di mapilang mapakunot noo.

Ano kaya ang ibig sabihin ng dalawang iyon?

Pero nawala ako sa aking pag-iisip ng mga bagay na sinabi ng moon goddess ng makarinig ako ng sigaw mula sa banyo.

Agad akong napatakbo patungo sa banyo,buti nalang at hindi ito naka-lock kaya nakapasok ako.

Halos manlaki ang aking mata dahil sa nakikita kong kalagayan ng aking mate.

Pag-aalala, takot,at kaba dahil bakit nagkaganito sya ,dapat ba akong matuwa o magimbal?hindi ko alam ang kasagutan sa sarili kong tanong.

"Ahhhh!!"nakabalik ako sa realidad ng dumaig ang aking mate kaya agad ko syang nilapitan.

Hindi ko na alintana kung nakahubad sya,agaran ko syang binuhat at inilagay sa aming kama.

Hinihingal pa sya,napatingin ako sa kanyang tiyan,sa kanyang maumbok ng tiyan.

Oo,kahapon lang namin nalaman na buntis sya pero heto at lumaki agad ang tiyan nya!parang pitong buwan na ito.

"Alpha...bakit,bakit ang laki agad ng tiyan ko?bakit ang bilis lumaki ng bata sa sinapupunan ko?"tanong sa akin ni Daseri.

"Hindi ko rin alam...."mahinang sabi ko sa kanya, hindi ko talaga alam kung bakit ganito kabilis ang paglaki ng ng magiging anak ko sa sinapupunan ni Daseri.

Agad kong ipinatawag ang isang doktor at maging ito ay hindi mabigyan kasagutan ang nangyayari sa aking mate kaya ikinunsulta ako nito sa mga witch o sa kaharian ng Mora Sorcera .

Agad naman ko sinunod ang payo ng doktor,nakipagusap ako sa reyna ng mga witch at pumayag ito na ipadala ang pinakamahusay na manggagamot at na witch rin para alamin ang kalagayan ng aking mate.

Kinabukasan ay maagang dumating ang manggagamot na ipinadala ng reyna ng Mora Sorcera.

Isa itong mataba na may katandaan ng mangkukulam pero malaks parin ito,at kayang kaya pang manggamot at tumingin ng mga karamdaman.

"Ako si tandang Jhera ang ipinadala ng aming reyna"sabi nito habang nakayuko.

"Sige,tignan nyo na ang kalagayan ng aking luna kung bakit ganun ang naging pagbubuntis nya.

Pinapasok ko sya sa aming silid at naroroon ang aking mate na nagpapahinga,pansin ko rin na parang nangangayayat sya kaya sana mabigyan na ng kasagutan ng mangkukulam na ito ang kalagayan ng aking mate dahil nag-alala na ako.

I hope she's ok..sabi ng aking wolf na si Dark

I promise bud,she will be fine sabi ko,pati ang inner wolf ko ay nag-aalala rin sa aking luna at mate namin.

Hinawakan ng matandang witch ang tiyan ng aking mate,mayamaya pa ay inalis na nito ang kanyang kamay.

Kita ko ang pag-aalangan nito na sabihin ang kanyang natuklasan kaya sinamaan ko ito ng tingin dahil ayoko na pinaghihintay ako,nakuha naman yata nya ang gusto kong iparating kaya nagsalita na sya.

"Alpha..nagiging mabilis ang paglaki ng bata aa sinapupunan ng Luna,at...nakita ko na isa itong hindi pangkaraniwang sanggol dahil mayron na agad itong napakalakas na kapangyarihan kahit sya ay nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina at tila humihigop ito ng kapangyarihan mula sa kanyang ina kaya nakakaramdam ng panghihina ang luna,maaring magkaroon ng epekto ito sa katawan at kalusugan ng Luna habang hindi pa nya ito isinisilang"paliwanang ng witch na ito.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mag-aalala dahil sa nalaman ko,masaya ako dahil magkakaroon ako ng isang malakas na anak pero nag-aalala ako dahil baka hindi kayanin ni Daseri ang pagbubuntis nya lalot humihigop daw ito ng kapangyarihan sa kanyang ina.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon