Chapter 28 - Wedding

27.6K 834 50
                                    

Third person's POV

''Kyo!!!! Tulong!! Tulungan nyo kami" naghehesterikal na sigaw ni Randish dahil sa nangyari sa kanyang mate.

Hindi alam ni Randish kung sino ang may gawa nito at ano naman ang dahilan bakit nito ginawa iyon kay Kyo.

Niyakap ni Randish si Kyo nang mahigpit, sinubukan nya ng tanggalin ang posas pero  agtaka sya dahil muli itong nagdudugtong na tila ba ayaw talagang pakawalan ang kamay ni Kyo.

"Kyo...."mahinang tawag nya kay Kyo na wala paring malay

Mayamaya  pa ay bumukas ang pinto at iniluwa non si Zerux na walang emosyong makikita sa mukha.

Sumandal ito sa may pinto at tila kalmado lang at hindi alintana ang nangyayari sa beta nya.

"Pakiusap tulungan mo sya.."pagmamakaawa ni Randish sa alpha.

Napaasik lang ang alpha at lumapit sa kanila bago nito ilabas ang isang silver din na susi at tinanggal ang mahiwagan posas.

Doon napagtanto ni Randish kung sino ang may pakana sa nangyari kay Kyo.

"Kung ganon ikaw ang may gawa nito kay Kyo?"hindi makapaniwalang tanong ni Randish.

Pero malamig lang syang tinignan ng alpha at umupo sa sofa nito na relax lang at parang walang nangyayari.

Hindi maisip ni Randish kung ano ang dahilan nito kung bakit nito ginawa kay Kyo na muntikmpa nitong ikamatay kung nagkataon.

"Bakit?...."mahinang tanong ni Randish sa alpha.

"Nararapat lang yan sa kanya"malamig ba wika ni Zerux dito kaya tila may lumukob na inis sa damdamin ni Randish pero di nya mapagkakaila na nakakaramdam din sya ng takot.

Takot para sa alpha na kaharap nya dahil alam nya sa oras ito ay wala syang ano mang laban dahil hindi pa sya lubos  na magaling.

"Pero di ba kaibigan mo sya?di mo dapat ito ginawa sa kanya"sabi ni Randish.

"Sya mismo ang humiling na gawin ko sa kanya iyan"nabigla si Randish sa sinabi ng alpha.

Hindi sya makapaniwala na si Kyo ang humiling na gawin ito sa kanya pero bakit?dahil ba nakokonsensya parin sya? O baka naman nais nyang totohanin ang sabi nito handa syang ialay ang sarili nitong buhay?

"As a ruthless werewolf king, and a true but devil friend to him ay pinagbigyan ko ang hiling nya,dahil ang batas sa lugar na ito ay di mo maaring pasakitan ang sarili mong mate kaya nararapat lang yan sa kanya bilang parusa"mahabang kumento ng alpha.

Niyakap ni Randish ang walang malay na katawan nito,hindi nya matanggap na magagawang hilingin ito ni Kyo dahil sa kasalanan nito sa kanya.

Biglang bumukas muli ang pinto at pumasok sina Daseri at Roki,nagulat sila dahil nakaunan sa mga hita ko ang walang malay na katawan ni Kyo.

"Anong nanyari?"tanong ni Roki

Agad na lumapit si Daseri at itinapat ang dalawa nyang palad sa katawan ni Kyo.

Mayamaya pa ay nagliwanag ito at ang liwanag na ito ay pumasok sa katawan  ni Kyo.

Unti-unting naghihilom ang sugat at mga galos ni Kyo sa katawan,unti unti narin bumabalik sa dati ang kulay ng balat nitong maputla kaganina.

Dahan dahang iminulat ni Kyo ang mga mata at ang una nyang nakita ay ang naluluhang mata ni Randish

"Mate..."mahinang bulong ni Kyo at agad nyang niyakap si Randish.

"Wag mo na ulit gagawin ang pasya mong iyon dahil baka hindi kita mapatawad sa susunod"madamdaming sabi ni Randish at mahigpit na niyayakap si Kyo,takot na baka mawala ito sa kanya.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon