Randish's POV
Bakit?bakit hindi nya itinuloy? Sa gagawin nyang yon maari na akong mamatay pero hindi nya itinuloy.
"Bakit?sana tinapos muna ako....naroon na ang pagkakataon mo..."sabi ko pa bago ko sya sinipa sa tiyan kaya natumba sya.
Dapat hindi nya ako binigyan ng pagkakataon na mabuhay!pero nakaramdam ako ng may sumipa sa likod ko kaya natumba ako.
Sinipa lang naman ako ng magaling na pinuno nila nagalit nagalit dahil sa ginawa ko sa babaeng yon,tsk!
Ambang kakalmutin nya ako ng pinahaba nyang mga kuko pero may pumigil sa kanya.
"Alpha wag!"pigil sa kanya ni Daseri.
Sabi nito habang nakayap sa likod ng pinuno nila,bakit ba nya pinipigilan ang pagtapos sa akin!!talaga bang gusto nyang tapusin ko sila ng tuluyan.
Ibubuka ko nasana ang mga pakpak ko pero nanghina na ako dahil sa dami narin ng pinsala ng aking katawan,hindi ko na kaya.
Hirap narin akong humigop ng lakas mula sa tubig na galing sa basang lupa dahil hindi ko narin kaya ang konsentrasyon ng utak ko.
Lumapit sa akin si Daseri pero hindi ko sya pinansin at nakatinhin lang ako sa baba.
Pero nakikita ko sa aking gilid na binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti na tila nakikipagkaibigan sya.
Ano ba ang problema nito?
"Halika gamutin natin ang mga sugat mo"kalmado nyang sabi sa akin pero matalim ko lang syang tinignan na parang sinasabi ko na wag syang lumapit sa akin.
Pero ngumit lang ulit sya at hindi pinansin ang nakamamatay kong tingin sa kanya.
"Gusto kong makipagkaibigan sayo"magiliw nyang sabi pero halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil naiiinis ako sa ginagawa nya.
"Pwede ba!!!wag kang umakto na nakikipagkaibigan ka dahil hindi mo makuluha ang loob ko!!!pare pareho lang kayo!!!Sana tinapos mo na lang ako!!!dahil kung hindi sinisiguro kong babalikan kita!!!kayong lahat lalo na ang lapastangang lalaking iyon!!!!!papatayin ko kayong lahat!!!!!!"galit kong sabi rito pero inangilan lang ako ng pinuno nila na nasa likod lang napara bang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.
Pero sinamaan ko lang din ito ng tingin bago ko ibaling ang aking mata sa babaeng ito na tila tuwang tuwa pa sa ginawa at sinabi ko sa kanya.
"Hindi mo magagawa yan"sabi nito habang nakangiti sa akin,aba't talagang!!!
"Ginagalit mo ba talaga ako!!??TINAPOS MO NA SANA AKO HABANG MAY PAGKAKATAON KAPA!!PINATAY MO NASA ANG NAKAKADIRING KATULAD KO NA NAGALAW NA NANG IBA!!!TINAPOS MO NASANA ANG KAHIHIYANG DALADALA KO!!!ISA AKONG AVERA PERO BINABOY LANG AKO NG LALAKING IYON AT NATALO LANG AKO NG MGA KATULAD NYO NA HINDI ALAM ANG TUNGKOL SA LAHI NA PINAGMULAN KO!!!SANA WINAKASAN MO NA ANG BUHAY KO PARA MAWALA NA ANG KAHIHIYANG DALA DALA KO AT DADALHIN KO HABANG AKO AY NABUBUHAY....!!!.....kaya sino ka para sabihin na hindi ko magagawa iyon!"
Nagagalit ako hindi lang sa kanila pati narin sa satili ko dahil hindi ko nagawang makapaghiganti.
Hindi ako ang karapatdapat na avera dahil mahina ako...at natalo ang ako ng mga nilalang na walang alam sa lahi namin at sa feora...mahina ako....dahil hindi ko magawang hanapin si Freya....
"Tinatanong mo kung sino ako?"sabi nya kaya napatingin ako sa kanya,talaga bang hindi sya titigil?
"Ako lang naman ang......TITANIA mo....."sabi nya nakinalaki ng mata ko.
"Ano...?"Hindi ko makapaniwalang tanong dahil papano nya nalaman ang bagay na iyon,o mali lang ako nang pagaakala na walang nakakaalam sa lahi namin?
![](https://img.wattpad.com/cover/162046784-288-k656326.jpg)
BINABASA MO ANG
Howl Of The Moon's Knight ✔ (Under Editing)
WerewolfIsang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan para sya ay maging malupit,walang puso at pinaka kinakatakutang Alpha King sa kasaysayan ng mga lobo. W...