Chapter 38 Return

23.3K 717 78
                                    

SPG alert !!!!!!!!!!!!!

Third person's POV

Nagkagulo sa palasyo,nagsilabasan lahat ng mga lobo sa palasyo at ka ya kanyang bahay para masaksihan ang isang hindi kapanipaniwala na pangyayari.

Walang digmaan ang nagaganap, wala ring nanghimasok na kaaway sa kaharian,ang nakikita nila ngayon ay ang naglalakad na Luna..

Si Daseri!ang kanilang Luna,ang batang Luna nila ay ngayon ay naglalakad    at  buhay na buhay ,patungo ito sa palasyo.

Samantala sa kaharian naman ay humahangos na pinuntahan ni Kyo ang kanyang alpha na hangang ngayon ay nagkukulong sa kuwarto nito at nagluluksa parin.

Hindi na ya nag-balang kumatok pa ay agad na pumasok sa silid ng alpha,nadatnan nya itong pinagmamasdan ang nahihimbing na natutulog.

Namumugto parin ang mga mata nito at tila kagagaling lang ulit sa pag-iyak ,walang emosyon kang makikita sa kanyang mukha pero maybakas ng kalungkutan sa mga mata nito.

"Why are you here? "Malamig nitong sabi habang nakatingin parin sa anak nito.

"Alpha....ang Luna..! Papunta po sya rito! "Hingal na hingal pang sabi ni Kyo pero natawa lang ng pagak ang alpha.

"That's impossible.."sabi ng alpha at di parin tumitingin sa kanya.

"Pero alpha totoo ang sinasabi ko!!! Nasalabas sya ngayon!!buhay sya!!buhay ang Luna!! At kung ayaw mong maniwala ay puta!!bahala ka!!"inis na sabi ng kanyang beta bago nagwalk out pero wala pang limang segundo ay nabangga sya ng tumatakbong alpha at nagmamadali na puntahan ang kanyang Luna.

Napailing nalang si Kyo sa inasal ng kanyang kaibigan at alpha nya,hindi nya ito masisi kung hindi agad ito naniwala kaya pagpasenyahan nalang.

-

Pagkababa ng alpha sa ay dumeretso ito palabas at tumambad sa kanya ang isang babaeng nakapulang damit na pinagkakaguluhan ng mga nasasakupan nya.

Nang magtama ang kanilang mata ay agad tumakbo si Daseri , niyakap ay siniil agad nya ng halik ang alpha.

Naghiyawan naman ang mga nakakakita sa paghahalikan ng alpha at kanilang luna ,alam nila kung gaano ang mga itong kasabik sa isa't isa.

Nang maghiwalay ang kanilang labi ay isang matamis na ngiti ang iginawad sa kanya ni Daseri at ganun din ang ibinigay nya rito.

"Alam mo bang nasasabik akong makita ka ulit"sabi ni Daseri habang haplos ang pisngi ng alpha.

"Ganun din ako,araw-araw ,gabi-gabi akong umiiyak dahil nangungulila ako sayo.Wag mo na sana akong iwan ulit."maluhaluhang sabi ng alpha.

"Napakasaya ko dahil nakasama ulit kita,pangako hinding hindi na kita iiwan muli"sabi ni Daseri habnag hinahaplos haplos ang dibdib ng alpha na tila nagpainit naman dito.Tumikhim pa ulit ang alpha bago nagsalita.

"Paano ka nakabalik?akala ko patay kana?"nagtatakang tanong nito,umiwas na,an ng tingin si Daseri at alanganing ngumiti bago hinaplos muli ang pisngi nito.

"Hindi na mahalaga kung papano ako muling nabuhay basta ang importante ay narito na muli ako mahal,para algaan kayo ng anak natin,"paliwanag ni Daseri, tumango nalang ang alpha.

"Teka,nasaan nga pala ang anak natin?"tanong nito kaya sinamahan nya ito paakyat ng  silid ng kanilang anak na kunektado rin sa kanilang silid.

Lumapit si Daseri at hinaplos ang pisngi ng natutulog na sanggol pero bigla itong pumalahaw ng iyak kaya napalayo sya rito.

"Tila ayaw sa akin ng iyong anak,mahal"malungkot na sabi nito.

Tinapik naman ng alpha ang binti nito at bumalik muli ito sa pagtulog bago kumutan at muling humarap kay Daseri

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon