Daseri's POV
Kasalukuyan kaming narito sa napakalaking bulwagan sa palasyo para magkaron ng salo-salo kasama ng bagong kasal
Masaya ako dahil kasal na sila ate Randish at beta Kyo,nakakapit ako sa mga braso ni alpha habang kinikilig fahil napakalambing nila sa isa't isa.
"Alpha,anong susunod nilang gagawin pagkatapos ng kasal?"tanong ko sa kanya kaya napatingin ito sa akin.
"I thought you already know it "sabi nya kaya mas nalito ako dahil kasal lang naman ang alam kong eh.
"Hindi tinuro sa akin kung ano ba ang susunod ng kasal"sabi ko kaya napangisi lang sya sa akin.
"Honeymoon.......''mahinang sabi nito pero di ko masyadong narinig dahil isa isa nilang tinaas yung mga baso nila para batiin ang bagong kasal.
Ganun din si alpha,nagtaas din ito ng..wine glass bayun?oo tama wine glass nga.
Wala naman akong hawak na wine glass kaya tinaas ko nalang yung hawak kong piniritong hita ng manok.
Nakarinig ako ng hagikgik sa aking likod at nakita ko si Roki na pasimpleng tumatawa,binigyan nalamang ako ng mga kasama nya ng isang mapagpaumanhing ngiti.
Tsk,ano naman ang nakakatawa?meron ba kong ginawa na kung ano?
...........
Umalis saglit si alpha dahil nais nyang kunin ng personal ang regalo nya para sa mga bagong kasal kaya nagkaron ako ng pagkakataong lapitan si Roki na abala sa pagkain.
Bigla akong nainis dahil rinig narinig ko pa kung ano ang pinagsasabi ng tukmol na ito.
"Grabe napakarami talagang katatawanang pinaggagawa si Luna Daseri,akalain mo nagtaas sya ng fried chicken sa ere"natatawang sabi nito kaya bunatukan ko.
"Arrrayy!!!"sabi hito at sumubsob sya sa plato na maraming putahe,nagtawanan nalang ang mga kasama nya dahil sa ginawa ko.
Humarap sya sa akin kaya nanglaki ang mga mata nito na akala mo nakakita ng multo p,ang sunod kong ginawa ay hinila ko ang tenga nya at kinaladkad ko ito habang pingot pingot ang tenga nya.
"Tek-aray! Aray Luna!napakasadista mo pala! Aray!"matapos ko syang madala sa isang sulok ay tsaka ko palamang binitawan ang tenga nya.
"Aray!teka nga wag kangang mamingot,noon inaalagaan lang kita ngayon sadista kana"reklamo nito kaya palihim akong napairap.
"Showwy ok,may gusto lang naman akong itanong sa iyo eh"sabi ko
"May itatanong ka lang pala pero grabe ka makahila sa tenga ko,tsaka ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga showwy yun!sorry!!! Capital S.O.R.R.Y! "Pagtatama nito sa salita ko kaya napanguso nalang ako
"Ikaw naman ang nauna eh!tsaka walang pakialamanan"depensa ko na kinaasik lang nito,
"Teka ano ba yung tanong mo?" Tanong ni Roki sa akin
"Uumm..ano ba ang kasunod ng kasal?"tanong ko kaya napatingin lang ito sa akin at pasimpleng natawa.
"Hindi mo alam?ba't di mo itanong kay Alpha Zerux ?"
"Tinanong ko na kaso di ko masyadong narinig eh"pagdadahilan ko kay Roki
"Hahaha honeymoon yun!"sabi nya
Huh? Animon? Ano naman yun?
"Anong ginagawa nila kapag ganun?"tanong ko ulit
"Syempre buong magdamag silang magkasama,nag aararo ang lalaki at nagtatanim ng binhi sa babae at nagpapakasarap at pilit nirarating ang langit ng kaligayahan pagkatapos ayun BOOM!maari na silang magkaanak''mahabang sabi nito.
BINABASA MO ANG
Howl Of The Moon's Knight ✔ (Under Editing)
WerewolfIsang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan para sya ay maging malupit,walang puso at pinaka kinakatakutang Alpha King sa kasaysayan ng mga lobo. W...