Chapter 36 Giving Birth

24.4K 718 43
                                    

Third person's POV

Nagkahanda na lahat,lahat ng kakailanganin sa panganganak ni Daseri pari narin ang gamit ng bata ay inihanda rin.

Naroon narin ang mga doktor,mga babaylan at mga witch na may kaalamanan sa pang gagamot.

Ngunit nagkaroon sila ng problema,malaking problema,sa hindi malamang dahilan ay tila nagkaroon ng isang barrier at hinaharangan nito ang sino man na makakalapit kay Daseri habang nakahiga ito sa kama.

Tila ba may ayaw na palapitin ang sino man kay Daseri habang manganganak ito ,ngunit ang ipinagtataka nila ay kung bakit tanging ang alpha lamang ang nakakapasok sa barrier kaya wala silang ibang  choice kundi si alpha Zerux nalamang ang magpapaanak rito at sila nalamang ang magsasabi kung ano ang mga dapat gawin.

Sa ngayon ay naghihintay na  lamang  sila sa oras ng panganganak nito,magkahawak kamay sila ngayong dalawa habang nakahiga si Daseri sa kama at nakaupo naman si Zerux sa tabi nya.

Pinipilit magpakatatag ni Zerux kahit awang awa na sya sa kalagayan ng kanyang mate,napakapayat na nito,maputla ang kulay ng balat at nangingitim ang ilalim ng kanyang mata.

"Pasensya kana alpha kung nahihirapan kana sa akin..."yan ang sabi ni Daseri habang hinahaplos ng alpha ang kanyang buhok na namumuti na di gaya ng dati na kulay ginto pa.

"Shhhh...wag mong sabihin yan kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon natin ngayon hindi ako mapapagod na alagaan kayo ng anak natin,basta mangako ka lang na wag kang bibitaw dahil hindi ko kaya na may isa sa inyo ang mawala." May pag-aalala at takot sa boses ng alpha habang nakatingin sa mga mata ni Daseri.

"Alpha..wag mo na nga akong tignan nang ganyan,ang pangit pangit ko na nga dahil buto't balat na nga ako tapos mukha pa akong bangkay sa putla ng balat ko,pati bohok ko pumuputi kahit ang bata ko pa"pabirong sabi ni Daseri pero medyo kahit ganito na ang itsura nya.

"Tsk,kahit ano pa ang itsura mo,kahit magmukha ka pang matanda para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae nakilala ko,para sa akin hindi basehan ang kagandahan sa labas,mas maganda parin ang panloob na ugali at iyon ang nakita ko sa iyo,hindi kita minahal dahil maganda ka,hindi rin dahil sa kapangyarihan at lakas na taglay mo,mahal kita dahil iyon ang nararamdaman ko,hindi kinakailangan na mayroong dahilan ang pagmamahal ko sa iyo basta ang importante mahal kita at mahal mo rin ako"mahabang sabi ng alpha.

Namumuo ang luha sa mga mata ni Daseri dahil sa mga sinabing alpha sa kanya,inaamin nya sa sarili,nakakaramdam sya ng takot,takot na baka may isa sa kanila ng kanyang anak ang mawawala ngayon.

"Alpha..pwede mo ba akong kantahan..?"mahina at medyo hirap ng sabi ni Daseri, tumango lamang si Zerux at ginawa ang gusto ni Daseri.

"Kung tayo'y matanda na,sana di tayo magbago
Kailan man,Nasaan may  ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin,hmmm..
Hangang sa pag tanda natin.."

Ipinikit ni Daseri ang kanyang mga mata at ninanamnam ang maemosyon at punong puno ng damdamin na pag-awit ng kanyang mate para sa kanya.

"Nagtatanong lang sayo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kahit maputi na ang buhok ko"

Natigil ang pakikinig nya sa awit ng alpha ng biglang kumirot at tila may tubig na lumabas sa kanya.Napahigpit ang kapit nya sa kamay ng alpha at bakas ang takot at pag-aalala sa mga mata ng alpha na napansin anb reaksyon nya.

"AHhhh!!!!"bigla syang napasigaw sa sakit kaya napatayo at nataranta si Zerux dahil namimilipit sa sakit ang kanyang mate.

"Allpha!!!!..ahhh..!!!"tawag ni Daseri,agad na inabangan ni Zerux ang palabas ng bata sa may paanan ni Daseri.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon