Daseri's POV"Hindi ganun kadali ang bumalik sa Tenderu kung namatay na ang iyong katawan"Paliwanag sa akin ng diyosa ng buwan,pero papano ako makakabalik ?
Tila nabasa naman ng diyosa ng buwan ang iniisip ko kaya ikinumpas nya ang kanyang kamay at lumabas dito ang isang liwanag na pumormang isang gate.Nagtaka ako kung para saan ang gate na iyan tila, nahulaan naman ito ng diyosa ng buwan kung ano ang aking iniisip.
"Ang tarangkahan na iyan ay magdadala sa iyo sa wolf sanctuary, dito nagmumula ang mga inner wolf na ibinibigay ko sa bawat werewolves matapos nilang tumuntong sa tamang edad,gaya ng sabi ko wala ka ng ano mang kapangyarihan sa pagkat hinigop na ito ng iyong anak,kaya babalik sa lupa bilang isa nang she-wolf"sabi nito.
"Bibigyan nyo po ba ako ng inner wolf ? "Tanong ko pero umiling sya sa akin, huh?di nya ako bibigyan,pero paano ako magiging she-wolf?
"Hindi maari dahil kailangan mo munang dumaan sa isang pagsubok, ang bawat werewolves ay mayroong nakalaan inner wolf para sa kanila,dahil hindi ka naman isinilang na taong lobo kaya kailangan ikaw mismo ang kumuha ng magiging karapatdapat na inner wolf mo sa loob ng wolf sanctuary ng mag-isa"
Napalunok ako dahil papano kung lapain ako ng mga wolf dyan ,ang masama pa ay wala na akong kapangyarihan dahil nasalin ko na lahat ito sa anak ko.
"P-papano ko malalaman na sya na ang karapatdapat na inner wolf ko?"tanong ko rito.
"Madali lang,susubukan ka nitong patayin "simpleng sabi nya pero halos manlamig ang buo kong katawan.Susubukan ako nitong patayin?
"Kapag nagawa mong amuhin ito ay mapapasaiyo na sya at maari ka narin makabalik sa lupa"dagdag pa ng diyosa ng buwan kaya wala akong ibang papagpipilian kundi ang sumubok dahil gusto ko na talagamg makasama ang anak ko at nang maturuan ko ng leksyon yang si Lilith at ang madaling bumigay na si alpha.Di parin kasi ako maka move on sa paghahalikan nila eh😭.
---
Binuksan na ng diyosa ng buwan ang gate sa wolf sanctuary kaya pumasok na agad ako,nginitian nya muna ako bago tumango at dahan dahang sumara ang gate bago ito naglaho.
Tinignan ko ang paligid ng wolf sanctuary,para lang akong nasa gubat,gabi dito at kitang kita ko ang napakalaking buwan mula sa kalangitan.
Napakislot pa ako ng makarinig ako ng alulong ng lobo kaya inihanda ko na ang aking sarili sa mga posibleng mangyari dito sa akin.
"Gabayan sana ako ng liwanag ng buwan "sabi ko pa bago nagsimulang maglakad,kailangan ko kasing hanapin ang lobo na pwede sa akin.
Napahinto ako dahil nakarinig ako ng pagkabali ng sanga at kaluskos mula sa aking likuran kaya naging alerto ako.
Unti unting lumabas mula sa halamanan ang isang grey na lobo,humanda ako dahil baka lusubin na ako nito pero...
" Hi!anong ginagawa mo rito?"
"Teka sino yon?may kumakausap sa akin?"sabi ko pa sa aking sarili kaya nagpalingalinga pa ako bakasakalaing meron pang ibang naririto bukod sa lobo na kaharap ko.
"Silly,tayo lang ang naririto malamang ako ang kausap mo,don't you know we can able to communicate using mind?in short mindlink "
"Ay!oo nga pala,may kakayahan nga pala kayong makipag-usap ,kaya pala parang galing sa isip ko yung boses,teka di mo ako kakainin?"naniniguradong tanong ko pa dahil baka sunggaban ako nito.
"Hindi no!I'm not a Moon's Knight para gawin ko iyon,tanging mga moon's Knight lang ang kumakain ng mga kaluluwa o spirit ng kapwa lobo o ng kahit anong nilalang kaya they are so powerful ang dangerous ,sila ang pinakamalakas at makapangyarihan na lobo at pinaka rare din"
BINABASA MO ANG
Howl Of The Moon's Knight ✔ (Under Editing)
WerewolfIsang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan para sya ay maging malupit,walang puso at pinaka kinakatakutang Alpha King sa kasaysayan ng mga lobo. W...