Chapter 14 -Visitors

37.1K 1K 62
                                    

Daseri's POV

Sinusuklay ko ang mahaba kong buhok ,nandito ako nagyon sa kuwarto namin ni alpha,gabi na pero hindi parin ako pinupuntahan ni alpha dito

Marahil ay galit iyon dahil sa pagsangayon ko sa paligsahan sa pagkaLuna pero ito lang ang paraan para mapatunayan ko na karapatdapat ako para sa kanya.

Na hindi hadlang ang pagiging isip bata ko dahil kaya kong protektahan ang kahariang ito.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si alpha na may daladalang bote ng alak at tila nakainom sya.

Wala rin syang damit pangitaas kaya kita ko kung gaano kaganda ang katawan nya , marami rin nakaguhit sa katawan nya na king tawagin nila at tattoo na bumagay naman sa kanya dahil sa maputi at makinis nyang balat.

"Alpha...."mahinang tawag ko sa kanya.

Blangko lang nya akong tinignan at nagulat ako dahil ibinato nya sa pader ang hawak nyang bote ng alak.

Napatayo ako dahil halatang galit ito ngayon.

Dahan dahang lumapit sya sa akin kaya napaatras ako pero pader na pala ang nasa likod ko.

Nang makalapit sya ay iniharang nya ang dalawang magkabilang btaso  ya sa gilid ko para di ako makalabas.

"Alpha....."tawag ko sa kanya.

"Why?Bakit ka pumayag? Naiintindihan mo ba na kapag natalo ka ni Samantha ay kailangan mo akong i-reject! !??alam mo ba kung gaano kahirap sa akin kapag nangyari iyon!!!"galit na sabi nya pero naiintindihan ko kung bakit sya nagkakaganito dahil yon sa pasya ko.

Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at pinagdikit ang aming mga noo.

"No,I won't let that happen..mas gugustuhin ko pang patayin ka at ang sarili ko para magkasama parin tayo kahit sa kabilang buhay kaysa sa i-reject mo ako!" 

Sabi nya kung sa iba lang ay baka matakot pa sila pero para sa akin ay napakasarap pakinggan dahil mas gugustuhin pa nyang mamatay kami ng sabay kaysa ang iwan sya.

Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat bago nagsalita.

"Hindi mangyayari iyon.....hinding hindi kita i-rereject dahil hindi ko hahayaang matalo ako...kaya ko ginagawa ito ay gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kitang tulungan sa pamumuno ng lugar na ito,at karapat dapat ako sayo hindi dahil sa itinakda tayong dalawa kundi dahil sa ......ikaw ang mahal ko...."sabi ko habang mahinang binanggit ang huling salita.

Natulala naman sya sa sinabi ko kaya napayuko ako dahil ito ang unang beses na sinabi ko ang nararamdaman ko ,kapag kasama ko sya ay masayang masaya ako at laging tumitibok ang puso ko ng napakalakas noong una ay ayoko pang pangalanan ang nararamdaman ko pero hindi nagtagal ay inamin ko sa sarili ko na mahal ko na si alpha.

"Kaya ako pumayag dahil gusto kong ipaglaban ka....yun ang tunay na dahilan"sabi ko ulit pero nagulat ako ng siniil nya ako ng isang maalab ng halik.

Gulat ang unang rumehistro sa akin,dahil sa pag halik nya sa akin. Matapos nya akong halikan ay pinagdikit nya muli ang aming mga noo .

"Mahal din kita..mahal din kita Daseri.."sabi nya at tuminhin sa mga mata ko.

Kaya ngumuso ako at nagbabadyang umiyak kaya sumubsob nalang ako sa dibdib nya at dun umiyak.

Umiyak ako dahil parang nahihiya ako dahil ako ang unang umamin sa aming dalawa,natawa na man sya dahil tila nabasa nya ang iniisip ko mas lalo tuloy akong umiyak.

"Sshhhhh.....you don't need to be shy..it's ok to confess your feelings "sabi nya at hinihimas himas ang likod ko at marahang pinapatahan .

Binuhat nya ako at humiga sya sa kama habang nasa ibabaw nya ako at tinatapiktapik ang hita ko naparang bata na pinapatulog.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon