Third person's POVSabay dabay na sumugod ang mga kalahok kay Daseri, tila lahat sila ay nais na mapatumba ang mate ng alpha para mapasakanila na ang trono.
Naunang nakarating ang anim na bampira sa kinaroroonan ni Daseri dahil sa bilis nilang tumakbo.
Ambang kakalmutin na sana nila ito gamit ang kanilang mahahabang kuko pero sa isang iglap ay humandusay ang wala ng buhay nilang katawan sa sahig ng napakalaking arena.
Nagulat ang lahat sa nangyari kaya napahinto ang iba pang kalahok sa pagsugod,tila nagtataka sila kung papano namatay agad agad ang anim na bampira sa isang iglap lang.
Parang may napakabilis na bagay ang tumama sa mga ito,at sa sobrong bilis nito ay hindi na nila ito nakita.
Bakas din ang pagkagulat sa mga mata ng manonood ang maging ang apat na pinuno ay tila nagtaka sa nangyari.
"Anong nanyari?bakit namatay sila agad ng hindi pa nakikipaglaban ??"bulaslas ni Vlady at naibuga pa nito ang kinakaing mansanas.
Naagaw ng atensyon nila ang makahulugang ngiti ni Daseri na tila may ginawa na hindi nila napansin.
Tila nag-alangan naman ang ibang kalahok kung ipagpapatuloy pa ba nila ang pagsugod dito.
Pero may isang witch na naglakas loob at mabilis na sumugod sa mate ng alpha.
Mabilis itong nakalapit at nakalampas kay Daseri, meron ding itong daladalang espada na may mahika na kayang lasunin ang ang masugatan nito.
Nabalutan ng pag-aalala si Zerux ng makitang may bakas ng dugo sa dibdib ng ni Daseri.
Tatayo na sana ang alpha para agad na puntahan ang kanyang mate pero napahinto sya dahil ang kaganinang witch na sumugod dito ay biglang bumulagta.
Napasinghap lahat sa nakita nila dahil isang masaganang dugo ang dumaloy sa leeg ng witch na agad nitong ikinamatay.
Napatingin ulit sila kay Daseri na pinupunasan ang talsik pala ng dugo na galing sa witch na naglakas loob na salakayin sya.
"Ano ba yan nadumihan tuloy ang paborito kong pantulog "sabi nito na tila wala lang sa kanya ang namatay na mga bampira at witch.
Tumingin sya sa mga kalahok bago ngumiti sa mga ito.
"Maglaro tayo..."masayang sabi nya
"Kapag natalo ko kayo, sa akin mapupunta ang mga kaluluwa ninyo"sabi nya na ikinakaba naman ng mga kalahok dahil tila hindi maganda ang kutob nila sa sinani nito.
Mayamaya pa ay napaatras lahat ng kalahok dahil kay Daseri na nababalutan ng aura na nagsasabog ng ibat-ibang kulay.
Meron ding naglalabasang simbolo na pumapalibot sa palagid ni Daseri , tila na pakaganda ng mga ito.
Pero ang kaganinang pagkamangha nila ay napalitan ng gulat dahil lumabas ang maraming espada na nakapalibot kay Daseri na tila handang umatake.
Tila pamilyar naman kay Zerux ang kapangyarihan na ito, unang pumasok sa isip nya ang kapangyarihan ni Lilith na lumikha ng mga sandata na may iba't ibang kakayahan at kapangyarihan.
Nahigit nya ang hininga dahil hindi nya alam na kaya napala nitong gamitin ang isa sa pinakamalakas na kapangyarihan ni Lilith.
"Mga espada? Saan ng galing ang mga espadang iyan at bakit yan nakalutang at tila pinapaligiran si Daseri na kala mo prinoprotektahan ito?" Manghang tanong ni Sadri
"Ang isang espesyal na kakayahan ni Daseri ay lumikha ng mga sandatang may iba't ibang kakayahan at kapangyarihan "sabi ni Roki kaya napatingin sila Sadri dito at tila enteresadong maunawaan ang kakayahan ni Daseri
BINABASA MO ANG
Howl Of The Moon's Knight ✔ (Under Editing)
WerewolfIsang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan para sya ay maging malupit,walang puso at pinaka kinakatakutang Alpha King sa kasaysayan ng mga lobo. W...