Roki's POV
"Fuck!!!!!" Bwisit na bwisit ako dahil hindi ko makalabas ng kulungan na ito,oo kinulong ko at walang ibang nag utos kundi si Daseri
Dahil alam nyang pipigilan ko ang pagdadalang tao nya dahil maari nya iyong ikamatay dahil bilang alagad nya ay pipigilan ko ang mapahamak sya,at ngayong buntis na si kulit ay maari syang mapahamak.
Nararamdaman ko iyon dahil si Daseri ang bumuhay sa akin at isa akong alagad nya,nararamdaman ko kapag nanghihina sya at nitong mga nakaraang araw ay ramdam ko na unti unting humihina ang kapangyarihan nya dahil hinihigop ito ng bata sa sinapupunan nya.
Maraming misteryo pa ang nangyayari nitong mga nakaraang araw,una ay ang pagpaparamdam ng prisensya ng dating Titania sa akin isama mo pa ng pagpapakita ng kung ano anong imahe ng diyosa ng buwan sa akin,tapos may kung anong puwersa ang tila paparating na di ko mapangalanan
Nararamdaman ko narin ang kapangyarihan nya,hindi ko matukoy kung sino o kuny ano basta merong isang puwersa ng kapangyarihan ang nabubuo kung saan.
Isa ko pang kinababahala ay si Irene,mortal na kaaway rin ni Lilith at maging diyosa ng buwan,ayokong tawagin syang diyosa dahil ang kapangyarihang taglay nya ay nakaw lamang mula kay Lilith.
Hindi naman sa kanya iyon,ang ikinababahala ko ay ang mga nilalang sa Feora,kapag nakalaya na si Lilith ay ito ang uunahin nyang paslangin para kunin ang kapangyarihan nito dahil sya ang lumikha sa mga ito at sya rin ang tatapos dito.
Kahit wala na ang tirahan ng mga taga Feora ay namumuhay sila sa kung saan mang lupalop ng mundo na hindi ko alam kung saan at mahirap hanapin kahit sinybukan ko na,at kapag nalaman ni Lilith ķung nasaan sila sigiradong paktay agad.
Kailangan nya iyon para muling ibalik ang nawala nyang kapangyarihan ,at kung iisipin mo,hindi kaya ni Daseri ang makipaglaban kina Irene at Lilith ng sabay dahil makakapangyarian at malalakas ang mga iyon.
Malakas rin naman ang taglay na kapangyarihan ni Daseri pero di nya alam lahat pano gamitin iyon,kung bakit kasi napakalakas ng kapangyarihan ng paglikha.
Three immortals, Lilith,Irene at Daseri na may kakayahang lumikha,idagdag mo pa si alpha na may hindi rin ordinaryong lobo.
Mukha lang akong tahimik rito at pa happy-go-lucky lang pero ang totoo matagal ko ng pinag-aaralan ang mga posibleng mangyari.
Kung sakaling magtagpo tagpo ang tatlong malalakas na ni lalang nasi Daseri,Lilith at si Irene malamang malaki ang mangyayaring labanan,kung bakit ba naman kasi lumikha pa ang mga diyos at mga diyosa ng mga katulad nila eh.
Pero sa nangyayari ngayon ay tila inuubos na ng anak ni Daseri ang lahat ng kapangyarihan nya,teka!parang may mali..
Kung mauubusan ng kapangyarihan si Daseri sino ang lalaban kila Lilith at Irene? Ibig sabihin ba hindi si Daseri ang makakatalo sa kanilang dalawa?Posible ba na si Daseri lamang ang magbibigay daan para mabuhay ang makakatalo sa kanila?
Pero sino?hindi kaya ang anak nila Alpha at Daseri? Kung pagaaralang mabuti ay napakalakas na lobo ni alpha at may malakas na man na kapangyarihan si Daseri at kapag nagka-anak sila......ibig sabihin meron pangmas lalakas sa kanilang dalawa? Wow just wow!!pero deep inside I'm still worried to Daseri dahil sa pagdadalang tao nya.
Natigil ang pag-iisip ko ng makaramdam ako ng tila kurot sa dibdib ko,parang may naputol na bond......No! It can't be. .!! Hindi kaya......
Roki....salamat sa lahat...pero ipinauubaya na kita sa anak ko...sya naman ang protektahan mo....
Boses ni Daseri iyon pero parang galing sa malayo,No it can't be...hindi pwedeng mamatay si Daseri.....hindi pa sya patay!!!
Nagwala ako at pinagsisipa ko ang selda pero hindi man lang ito masirasira dahil naroon parin ang barrier!!
BINABASA MO ANG
Howl Of The Moon's Knight ✔ (Under Editing)
WerewolfIsang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan para sya ay maging malupit,walang puso at pinaka kinakatakutang Alpha King sa kasaysayan ng mga lobo. W...