Chapter 41 Face to Face

23.4K 828 50
                                    

Third person's POV

Magbabayad ka!!!!"tila isang demonyong sabi ng wolf ni Daseri .

Hindi makapaniwala su Lilith sa nakikita,isang maganda pero mabangis na lobo ang nasa harap nya,at hindi ito basta basta na isang ordinaryong wolf dahil kakaibaa rin ang laki nito kumpara sa ibang lobo,naalala nya tuloy ang lobo ng alpha kaya natanong nya sa sarili kung anong klaseng lobo ito.

Sa itsura ng lobo ay talagang mamamangha ka sa aking ganda nito,isa itong puti na lobo na may highlights na blue,ang buntot nito ay may asul na apoy,meron ding marka ng Crescent moon sa noo nito at mayroong mga gintong mata.

Kahalintulad ito ng lobo ng alpha pero naiiba nga lamang ng anyo at kulay pero ang kapangyarihang meron dito ay kahalintulad ng sa kanya.Hindi matiyak ni Lilith kung gaano ito kalakas pero sisiguraduhin nyang hindi sya magpapatalo rito.

Umangil ito sa kanya at pinakita nito ang malalaki at matatalim na ngipin nito na gusyong gusto na syang lapain at di nga sya nagkamali,bigla itong sumugod sa kanya,nakailag naman sya at agad na nagpalabas ng isang simbulo na bilog na may tatlong bituwin sa gitna at lumabas dito ang isang pula at itim na liwanag na tumama sa lobo ni Daseri.

Tumalsik ito pero agaran ding nakatayo ,muling nagpalabas si Lilith ng simbulo kaganina at muling inatake ito pero umangil ito ng malakas na dahilan para magkabitak-bitak ang sahig at ang kaganinang kapangyatihan pinakawalan ni Lilith ay biglang bumalik sa kanya kaya tumilapon ito palabas.

Bumalikwas agad ng bangon si Lilith at nakita nya ang pagtakbo nito papunta sa direksyon nya pero bago paman ito makalapit ay nagpalabas sya ng mga ugat sa lupa at ipinulupot ito sa lobo.Pero gamit ang matutulis na kuko at ngipin nito ay madali lamang nitong naputol ang mga ugat kaya agaran itong nakawala.

Tila mas lalo itong nagalit at kitang kita ni Lilith ang unti unting paglaki nito,kung malaki na ang lobo na ito kaganina ay mas lumalaki pa ito ngayon,halos tatlong palapag na bahay ang laki nito.

Iniangat nito ang kamay na matutulis na kuko bago ito ihampas sa kanya pero nakagawa sya ng barrier para di ito matablan mula sa loob  Paulit ulit na pinagkakalmot ng lobo ni Daseri ang barrier na kinangisi lamang ni Lilith dahil hindi nito magawang saktan sya hangat nasa loob sya ng barrier nito.

Pero ang kaganinang ngisi ni Lilith ay unti unting nawala dahil ang barrier nya ay unti unti rin nagkakaroon ng lamat at alam nyang hindi magtatagal ay masisira na ito at ganun nga ang nangyari,mistula itong nabasag na salamin at tumama sa kanyang mukha ang matulis na kuko nito nagpatalsik sa kanya.

Sa itsura ni Lilith ay meron na itong sugat sa maganda nitong mukha at dumudugo narin ito,pero hindi ininda ni Lilith ang sugat sa kanyang mukha mas dumilim lamang ang aura nito dahil sa ginawa ni Daseri.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa anak ko!walanghiya ka!! Napakasama mo!!paano mo nagawa iyon sa isang walang kamuwang muwang na bata!!Isang malaking pagkakamali ang ginawa mong habang dahil ako ang tatapos ng buhay mo!" Galit na galit na sabi ni Freya,ang inner wolf ni Daseri sa isip ni Lilith.

Ngumisi lamang si Lilith at tila hindi ito apektado o natakot lang sa banta ni Freya.Tanging ang inner wolf na kasi ang may kontrol sa buong katawan ng wolf n ito na pinaubaya lang ni Daseri dahil wala pa syang sapat na kaalaman sa pagiging she-wolf.Samantalang si Lilith naman ay walang nararamdamang konsensya sa ginawa nya sa bata.

"Nagpapatawa kaba?baka nakakalimutan mo na ang sinasabihan mo ng masama ay kawangis ng iyong mukha at nais ko rin ipa alala sa iyo na sa katawan mo nabuhay ang kaluluwa ko kaya ikaw rin ang dahilan k7ng bakit naririto at naghahasik ng lagim ang masamang kagaya ko!wala karin pinagkaiba sa akin!!"pabalik na sahit ni Lilith.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon