Chapter 43 Great War

24.1K 653 39
                                    

Third person's POV

Nakahanda na ang lahat,mga pinakamahuhusay na mandirigma ng limang kaharian. Kaharian ng Holy Crescent, Kaharian ng Mora Sorcera,Kaharian ng Blood Fangs,at kaharian ng Marine Scale,lahat sial ay naririto para makiisa isa digmaang magaganap.

Napakarami nila pero napakalakas din ng kanilang kalaban.Nagtipon tipon silang lahat sa  ay lambak malapit sa kaharian ng Holy Crescent.Inilikas na ang mga babae,mga bata at matatanda para hindi na madamay sa digmaan.

Mabuti nalamang ay nagkaayos na ang alpha king at ang luna nito pero katakot-takot na sermon at pagbabanta ang inabot ni alpha kay Daseri.Muntik pa ngang tamaan yung ano nya ng hagisan sya nito ng kutsilyo buti at nakailag sya pero hindi sya nakailag ng binato sya nito ng panty sa mukha.Naghihinala kasi si Daseri na ginamit daw ito ni Lilith eh.

Pero mabuti at napagkasundo sila ng kanilang anak na si Knight Zerion,para nga itong hindi bata magsalita eh mabuti at nakapagpaliwanag si alpha ng maayos na hindi nya ginalaw si Lilith at hangang daliri lang ito.Pero muli sya nitong piningot dahil napansin ni Daseri na marunong ng magmura ang anak nila,akala kasi nito ay ang alpha ang nagturo sa anak nila ng ganun.

Samantala....

Sa kabilang panig ay sinalinan ni Lilith ng itim na kapangyarihan ang mga katawan ng pinaslang nya upang gawing alagad pero kontrolado nya ang pagiisip ng mga ito.Isa lang ang utos nya sa mga alagad,patayin ang lahat ng nilalang na nabubuhay.

Kahit kailan ay wala na syang naramdamang awa sa sinoman dahil puro galit at pagkamuhi lamang ang lahat ng ito,simula nun araw na traydorin sya ng lahat at kahit ng mga diyos at diyosa.

"Oras na matapos ang digmaang ito,ikaw naman ang isusunod ko Irene..."sabi ni Lilith sa sarili habang nakatingin sa kanyang mga algad.

Ito ay ang mga diwata at iba pang halimaw na kontrolado na nya ang pag-iisip dahil ito ay mga namatay na at meron din syang ginawang kanang kamay walang iba kundi ang dating reyna at ina mismo ni Lilith .

Lahat ng kanyang alagad ay purong itim ang mga mata at merong mga mga itim na ugat sa katawan nila,mga mapuputla ang balat na meron pang sugat at dugi mula sa pinsala na natamo nila bago sila patayin ni Lilith.

--

Nagtipon tipon na lahat ng mga mandirigma sa Tenderu,ang mga kalalakihan at mga pinuno ay nasa ibaba habang ang mga ibang mandirigma naman ay nasa talampas kasama si Knight .Nakapagshift narin ang mga werewolves pati ang alpha at luna nito.Nakahanda narin ang  mga bampira, mga mangkukulam at mga sirena pati na ang mga pinuno nito.Naghihintay nalamang sila sa pagdating ng kalaban.

''Mate..pansin ko lang bat ayaw akong kausapin ng wolf mo?" Mindlink ng alpha.

"Ewan baka ayaw sa iyo"sagot naman ni Daseri.

"Huh?panong ayaw sa akin?" Tanong ng alpha.

"Sobra kasing tahimik nito eh"

"Ganun ba?Dark wants to talk to her for a while" napabuntong hininga nmaan si Daseri at ginising ang wolf nya na at sinabing gusto syang makausap ni Dark,ang wolf ni Zerux,puro kasi tulog ang ginagawa nito,gigising lang kapag may labanan mabuti at pumayag.Nagumpisang kausapin ito ni Dark.

Hinayaan muna nila Daseri at Zerux na makapagusap ang kani kanilang inner wolf sa pamamagitan ng mindlink sa isa't isa.Matapos syang bigyan ng access ni Zeru na komontrol ng katawan nila ay agarang tumabi ito kay Freya.

"Hey!"kinikilig na sabi nito at kumakawag pa ang buntot.

"Hey.."antok naman na sabi ni Freya.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon