✔Chapter 45 - Plan

24.7K 780 163
                                        

Daseri's POV

Patuloy lang ako sa pagiyak dito sa pagamutan habang nakikita kong nakahiga at walang malay si alpha.Paulit ulit ko syang hinahalikan sa kamay nya at sinasabi ko kung gaano ko sya kamahal at sana gumising na sya.

"Daseri,magpahinga ka muna ako na lang muna ang magbabantay kay alpha"sabi sa akin ni Roki na may benda pa ang kaliwang kamay,kasama rin kasi syang nakipaglaban kaya napuruhan din sya.

"Ayoko,dito lang ako kay alpha"sabi ko na parang bata at yumakap kay alpha .

"Pero Daseri ilang araw ka nang walang maayos na tulog,sa tingin mo magugustuhan ito ni alpha?"sermon sa akin ni Roki kaya sa bandang huli ay pumayag na ako sa gusyo nito.

Bumalik ako sa aming kuwarto,nadaanan ko pa ang  mga pack warrior na nagkukumpuni ng mga nasirang ariarian dahil sa labanang na naganap.Tumulong rin ang mga ibang kaharian sa pagsasaayos sa palasyo,narito rin ang mga pinuno nila at tumutulong.

Buong maghapon ay nagkulong lang ako sa kuwarto at hinayaang matulog ang sarili ko.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa pagamutan para bisitahin si alpha ngunit  nang nasa tapat na ako ng pinto ay kusa itong bumukas at  tulaktulak ng doktor ang isang stretcher palabas na may nakatalukbong ng kumot sa sa pasyente.

Tinignan ko ang doktor ng may pagtataka kung sino iyon pero isang malungkot na tingin lang ang ibinigay nito sa akin.

"I'm sorry Luna....."

__

Araw ng burol ni alpha,narito ako ngayon nakaupo habang umiiyak hindi ko parin matanggap ang nagyari kay alpha.Nasasaktan ako ng sobra sa  nangyari, waring hindi ko matanggap ang sinapit nya.

Nasa tabi ko ang anak namin habang kumakain? Sarap na sarap nitong nilalantakan ang spaghetti,chocolate cake at ice cream, masayang masaya itong kumakain na parang normal lang ang lahat.

Siguro ganito lang ang mga bata,hindi pa aware sa totoong nagyayari kaya hindi ito apektado ng pagkawala ng kanyang ama.Niyakap ko ito  at muling umiyak.

"Mom!yung luha mo tumutulo sa ice cream ko, kaya pala biglang umalat yung lasa eh"reklamo nito kaya inalis ko ang pagkakayakap sa kanya.

"Ay,showwy baby boy ko...madrama kasi si mommy ngayon eh"sabi ko sabay halik sa pisngi nito.

"Tsk!can't wait to see what will happen.."rinig kong bulong nito pero di ko nalang pinansin.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid ng burol ni alpha,marami naman ang nakiramay pero ako lang ba o sadyang parang okey lang sa kanila ang mga nangyayari?

Kasi sa napapansin ko nakatingin lang sila sa harap,yung iba nagkakape,yung iba naman nagkukuwentuhan ng kung ano ano. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang hari ng mga bampira na ....nagbabasa ng romantic novel?at kinikilig pa.

Tsk,baka pagod lang ako kaya kung ano ano na nalang ang pumapasok at naiisip ko,baka ganun nga.

Nakita kong lumapit si Roki at Kyo sa kabaong ni alpha na walang takip na salamin,ewan ko kung bakit pero hinayaan ko nalang na ganito iburol si alpha.Nakita kong yumuko sila at parang may binubulong.Lumapit ako rito at napaiktad pa sila ng makita ako.

"Ah luna..huhuuhu...bakit...? Bakit...nangyari ito..?"madamdaming sabi Kyo pero parang pinipilit umiyak,si Roki naman ay kinukuskos ang mata at parang bata kung umiyak.Napaiyak rin ako dahil alam ko kahit na saksakan ng sungit at suplado si alpha ay naging magkakaibigan rin sila ni Kyo at pati narin ni Roki

Pinabalik na ako sa kuwarto namin ni alpha para matulog man lang dahil wala narin akong masyadong tulog.Hating gabi na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong bumaba para pumunta ulit sa burol ni alpha.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon