Chapter 12: illution?

3.8K 116 2
                                    

Alissa Felice POV

Malapit nang mag 8 pm pero wala pa rin si Zack sa loob ng Kwarto namin. Ewan ko ba dun kung nasaan na yun. Hays!

"Guys hanapin ko muna si Z ha!" paalam ko sa kanila at dali daling lumabas, habang naglalakad sa Hallway, ay may narinig akong boses.

"Oo na, ako na ang bahala, pangako hindi nila mahahalata" sabi nito, teka! Si Ate yun ah, galing ito sa isang silid. Kaya sinilip ko ito, at oo nga si ate nga iyon. Pero wala naman siyang kausap... Siguro guni guni ko lang iyon.

Maglalakad na sana ako paalis... Nang may humila sa akin at tinakpan ang aking bibig at nagtago kami sa likod ng isang pader... Nagpumiglas pa nga ako.. Pero dahil sa amoy niya ay nakilala ko siya.

"Shhh" suway niya, kaya natahimik ako. Narinig ko naman ang pag bukas ng pinto, sa kwarto ni Ate Alissandra.

"May tao ba riyan?" tanong niya... Habang nag eecho ang boses niya sa hallway. Hindi namana ako makapagsalita dahil tinatakpan ni Zack yung bibig ko.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagsira ng pinto, Binitawan naman ako ni Zack. At agad akong humarap sa kanya.

"Ano bang problema Z? Bat nanghihila ka? Nakakagulat ka huh!" sabi ko sa kanya habang nakapamewang. Tinignan niya naman ako na para bang nagtataka.

"Ewan ko sayo, ang ingay mo" sabi niya lang at nakapamulsang tumalikod at naglakad na papuntang kwarto namin. Siraulo talaga tung si Zack!

"Hoy Zack! Ikaw ha! Parakang ano jan! Para kang ano! Basta para kang ano!" sigaw ko at sinundan siya. Panay naman ang daldal ko.

"Ali, mananahimik ka o hahalikan kita!" banta niya naman na nagpatigil sa akin. Nakatingin lang din siya ng diretso sa akin. Gosh feeling ko tuloy namumula ako!

Napasmirk naman siya.... Uh- ohh!

"Tatahimik rin pala eh! Wag ka ngang assuming jan, bakit naman kita hahalikan" sabi niya at ngumisi. Feeling ko naman umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Ang yabang neto!

"Yabang mo! As if naman magpapahalik ako sayo! Kapal neto!" sabi ko at nag cross arms.

"Ehem! Ang lambing niyo sa isat isa ha!" biglang may nagsalita sa likod ko kaya napatingin ako rito. Si Ate pala.

"Ay Ate ikaw pala yan... Hindi po kami malambing noh! Ang kapal kasi nitong si Zack eh!" sabi ko sabay tingin kay Zack. Nanlaki naman ang mata niya na para bang sinasabing "Bakit-ako?-look"

Inilabas ko na lang ang dila ko na parang bata at pina ikot ang mata.

"O siya matulog na nga kayo, gabi na oh" sabi ni Ate. Ngumiti naman ako at tumango.

"Matulog na-----" hindi niya pa natuloy ang sinasabi niya ay niyakap ko na siya.

" Good night Ate" sabi ko at kumalas sa yakap. Ang sarap pala kapag may kapatid ka ano?

Agad ko namang hinila si Zack pabalik ng kwarto. Ewan ko bat trip ko ang maging siraulo.

"Oh san pala kayo galing? Ang tagal niyo" bungad ni Chase ng makapasok kami.

"Hehehe wala.. Ang tagll kasing hanapin netong mokong nato kaya natagalan kami" palusot ko, eh ang totoo naman ay buglang nanghihila si Zack sa di malamang dahilan. Para bang may pinagtataguan siya o di kayay may minamasdan siya. Ewan!

"Mabuti pa magpahinga na tayo" sabi naman ni Lucas at agad humiga sa kanyang kama. Sumang ayon naman kami lahat... Magkatabi ang bed naming tatlo nina Chane at Zay pero sa kasamaang palad katabi ko rin ng higaan si Zack... Huhuhu bakit parati kaming magkatabi?

Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon