Headmaster Harold's POV
"So anong plano niyo? Kapag umatake na naman ang DWE?" Tanong ni Danilo sa gitna ng inuman namin. Kaya napa seryoso kami. Pati si Olvera ay napapikit at napaisip.
Kaunti nalang kaming andito sa baba. Ang mga estudyante at ibang guro naman ay nagpuntahan na sa kani kanilang kwarto. Pati na ang element royalties.
"We can't predict their actions.. But we know our students are ready in case something happen" sagot ko at napahawak sa sintido ko.
I almost forgot about DWE.
"Don't worry.. I already told Leonardo about this. Hinanda ko na rin ang aming kaharian at hukbong sandatahan para sa mangyayaring labanan." Napayuko naman ako dahil sa mga tinuran ni Danilo.
"Salamat. Nadamay pa tuloy kayo" sabi ko pa. Pero tinapik niya lang ako sa balikat.
"Kung isang buong kontenente sila kung lumaban. Isang buong kontenente natin silang haharapin" sabi pa ni Danilo at ngumiti.
"Ano sa tingin niyo ang dahilan nila? Why would they attack us?" Tanong naman ni Emerald. Asawa ni Danilo at Reyna ng Landea.
"Powers and Territory" banggit ni Olvera kaya napatingin kami sa kanya.She's right after all.
"Ewan ko ba. I can't understand why there are still people who's willing to harm innocent people just for their own benefits" sabi ko sabay yarok ng alak. Kaya tinampal ni Olvera ang kamay ko.
"Pinaghandaan talaga nila lahat... Pero ano naman ang gagawin nila kapag nakuha na nila ang gusto nila?" Tanong naman ni Danilo.
Napasandal ako at huminga ng malalim.
"It's either.... Kakampi sila sa Mighty one o sila mismo ang kakalaban dito" sabi ko at napatingin sa kanila ng seryoso. Natahimik naman kami ng ilang saglit bago nag salita si Danilo.
"Handa kami.. Pero may alam ba ang council sa magaganap?" Tanong uli ni Danilo. Kaya napatango ako bilang sagot.
"Oo may nalalaman sila... Napag usapan namin ito nung nag meeting kami. May napansin si Pinunuong Maximus sa kabilang kontinente at alam niya rin ang ilang pangyayari sa amin" Sagot ko.
"At nabanggit rin ng Pinuno na may kuta ang kalaban malapit sa daungan ng barko. Marahil ay doon itinago ng taksil si Alissa, ang prinsesa ng Aera nang dukutin ito bigla, gabi bago ang huling araw ng paligsahan. Buti nalang at nailigtas siya ng Pinunong Maximus" mahabng salaysay ni Olvera.
"Magiging isang malaking digmaan ito. Malaki pa kesa noong ating henerasyon" sabi ko naman. Na sinang-ayunan nila.
"Kapag may hindi magandang nangyari... You can stay at our kingdom... Mas malapit yung Landea sa Central Council kesa sa ibang kaharian at mapoproteksiyonan kayo doon." Sabi ni Danilo. Kaya napatango ako.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin sila. Babalik na sila sa kaharian nila upang ihanda ang mga mandirigma nila at mga tao.
Among the four kingdom. Mas mabagsik sa labanan ang Landea. Kahit si Pinunong Sage ay pinupuri ang mga mandirigma ng Landea sa galing nito sa pakikipaglaban at sa tactics nito pagdating sa isang labanan.
"Dahlia, June.... Be alert" saad ko sa dalawang mataas na guro sa aming akademya. Si Dahlia ang guro nina Zack at Alissa noon sa mahika habang si June naman ang kanikang coach sa defense class.
"Yes Headmaster!" Saad nila. Hindi sila lasing. Hindi kami lasing... Palabas lang lahat uoang hindi magtaka ang iba at mabahala. As the head of the school. I should be the one who is completely sane anytime.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔
Fantasía"The pain you gave me is a sign that you truly love me, please, don't be upset and don't let me go...Because I am fully ready to be with you even if it means I'll die." In a world full of magic and powers. Extraordinary abilities and skills. Where l...