Alissa Felice POV
Sa gitna ng laban nina Chane at Drake hindi ko maiwasang hindi mapangiti...Batid kong habang naglalaban sila ay may bagay din silang pinag uusapan.
Inatake ni Drake si Chane,gumawa naman ng
panangga si Chane para hindi siya mapano, ngunit dahil mabilis kumilos si Drake, agad itong nakapunta sa mismong harapan ni Chane, ngumisi ito kay Chane at may sinabi pero hindi ko ito narinig dahil malayo sila sa amin.Pero namula si Chane at mas lalong ngumisi si Drake, Hmmmm.... Bakit kaya halos may pinag uusapan tuwing naglalaban, kanina nga sina Zack at Chase may pinag usapan din kaya naging intense ang kanilang laban.
Pero iba itong kina Drake at Chane.... Kung kanina ay si Drake ang nakangisi ngayon naman ay si Chane, natulala anman si Drake kaya nakakuha ng chance si Chane na umatake pero dahil nga sa observer si Drake at dahil din sa kapangyarihan niya na pakiramdaman ang lupa, nalalaman niya ang magiging kilos ng kalaban niya kay madali niya itong nauunahan o nadedepensahan.
Napansin ko rin ang panay ngiti ng dalawa sa kanilang laban...Nakaramdama namana ko ng isang kakaibang tensiyon. Napalinga linga ako para hanapin kung saan nanggaling yun.
Naka upo lang sina Liam at Zay na ginagamot ang isat isa .. Habang si Chase naman ay minamasdana ang kilos ng kaniyang kapatid sa pakikipag laban. Habang itong si Zack presenteng naka upo lang at nakapikit ... Napalingon naman ako kay Lucas na nakatayo at naka cross arms. Napansin kong nakayukom ang kanyang mga kamao habang nakatingin sa naglalaban na si Drake at Chane na nagtatawanan sa labanan. Kitang kita sa kanyang mga mata kung paano siya nasasaktan o nagagalit dahil sa nakita niya.
Natapos na ang oras na ibinigay ni Madame kina Chane kaya tapos na ang kanilang laban at bumalik sila sa gawi namin ng parang walang nangyari.
"Ang isang labanan ay sapat siniseryoso,at hindi hinahaluan ng biro" seryosong sabi ni Madame habang nakatingin sa dalawa na napakamot sa kanilang mga batok.
"Paumanhin po Madame, hindi na po mauulit" sabAy nilang sabi...Tumango naman si Madame bilang sagot.
Napatingin naman siya sa akin at sinenyasang pumunta na ako sa harapan, at alam kong si Lucas ang makakalaban ko, siya nalang naman ang natitirang hindi pa nakakalaban.
It's my chance to ask about sa kanila ni Chane, feeling ko talaga may something sa kanilang dalawa eh. Hindi ko lang talagama point out kung ano. Pero alam kong malalaman ko rin yan.
Nakapuwesto na kami ni Lucas. Nahagip din ng mata ko ang seryosong tingin ni Zack sa akin pero ipinasawalang bahala ko muna yun at itinuon kay Lucas ang atensiyon.
"Lucas" tawag ko sa kanya,napalingon naman skya sa gawi ko,pero bago simulan ang tanong ko,tinignan ko muna kung ano ang tinitignan niya kanina.
At yun ay sina Chane at Drake na nakangiti aa isat isa na ginagamit ang isat isa.
"Ano ang relasyon mo kay Chane?" diretso kong tanong habang dahan dahang lumilingon sa kaniya
Nagulat pa ata siya dahil sa itinanong ko.Pero huminga muna siya ng malalim at muli akong tinignan ng seryoso.
"Paumanhin prinsesa ngunit bakit ko naman sasabihin sa iyo?" tanong naman niya. Napataas naman ang kilay ko. Ang taray neto may pa secret secret pa...
"Halata naman sa iyong mga mata Ginoo na nasasaktan ka sa iyong nakikita,kaya wag mo nang ipagka ila" sabi ko naman sabay tingin ulit kina Chane.
Napatingin naman ulit siya dun at bumuntong hininga.
"She's ........ she's my ......Ex" sabi niya at nag iwas tingin... I knew it ...may something talaga sa kanila ni Chane kasi napapansin ko hindi comfortable si Chane if nandiyan niya sa tabi si Lucas.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔
Fantasia"The pain you gave me is a sign that you truly love me, please, don't be upset and don't let me go...Because I am fully ready to be with you even if it means I'll die." In a world full of magic and powers. Extraordinary abilities and skills. Where l...