Third Person POV
On the other part...
Sa kaharian ng Aera... Lalo na sa palasyo. Ay pinapalibutan ng mga naka itim na mga tao. Kabilang na rito ang mga rebelde na nagmula sa nasabing kaharian.
Hindi halos maisip na sila mismo ang nagtaksil sa kanilang sariling kaharian na siyang kanilang pinagmulan.
Ang pagbukas ng pintuan ng palasyo ay siya ring pagpasok ng isang lalaki. Lalaki na may maskara at tila lobo ang itsura.
Ang EMPEROR
Blangko ang emoayon nito at presenteng naglalakad patungo sa isang trono. Trono na kulay itim at pinalilibutan ng mga tinik.
Kasabay ng kanyang paglakad ang siya ring pagyuko ng kanyang mga alagad. Buo ang respetong ginagawad ng mga taong nakapalibot sa kanya na tila kapag gumawa ka ng maling hakbang ay mamamatay ka.
Nang makarating siya sa trono ay hinawakan niya ito.... At ilang saglit ay ngumisi siya ng nakakaloko. Isang ngisi na nakalabas ang kanyang mga pangil. Pangil na sumisimbolo sa pagiging isang taong lobo.
"Sa wakas. Sa akin ka na ngayon!" Sabi niya at nilingon ang mga nasasakupan.
"MGA KASAMA!!!! SIMULA NGAYON AKO NA ANG BAGONG HARI NG AERA!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Sigaw nito at humahalakhak. Nagdiwang ang iba. Subalit may iba ring hindi natuwa at tila taliwas sa plano nila.
"Subalit! Buhay pa ang aming prinsesa! Hindi nararapat na magkaroon ng bagong hari sapagkat buhay ang prinsesa!!!" sigaw ng isang babae.
Natahimik ang lahat. At tila nag dilim ang paningin ng emperor. Tinignan niya ang babaeng sumigaw. Subalit nakipagtigasan ng tingin ang babae kahit natatakot pa rin ito.
Isang nakakalokong ngisi ang pjnakawalan ng Emperor na nagpangilabot sa lahat. Dahil ang ngising ito ay nagpapahiwatig na may gagawing hindi kanaisnais ang emperor.
"Huwag kang mag-alala. Dahil hindi magtatagal ay mamatay na ang tinutukoy mong prinsesa!!! HHAHAHAHAHAHAHAHA" nakangiaing sabi nito at humalakhak ng nakakatakot at ni isa sa mga tao ay hindi magawang sumabay dito. Lubhang nakakatakot talaga ang emperor.
Ilang saglit pa ay huminto ang emperor at naging seryoso.
"Pero syempre... MAUUNA KANG MAMATAY!!" Sigaw ng emperor sabay tutok ng kamay niya sa babae at lumabas ang kulay pula at lila na mahika at tumurok at lumagpas sa dibdib ng babae.
Laging gulat ng lahat nang makitang butas ang dibdib ng babae at nakanganga ito na para bang gulat din sa nangyari.
Natumba ito na para bang stick na hinipan lang. At tuluyan nang binawian ng buhay.
"KUNG SINO MAN SA INYO ANG TUTOL SA PLANO KO!!!! HUMAKBANG PAPAHARAP!!!!" Sigaw ng emperor sa mga nakahelerang tao.
Subalit ni Isa ay walang humakbang. Ni lingon ay hindi ginawa ng kahit sino. Kaya napangisi ang emperor.
Kasabay ng pagbilog ng buwan ay siya ring pag atungal ng emperor na para bang isang lobo.
....
Sa kabilang banda.....
Ilang araw na rin ang lumipas mula nung mag usap si Alissa at si Chase. Ilang araw na ring iba ang naghahatid ng pagkain kay Alissa. Lalaki ito subalit nakaitim at tago ang muka kaya hindi nakikilala ni Alissa.
Hindi alam nung taga hatid na may itinago si Alissa na tinidor upang gamitin para makatakas.
Pilit niya itong ginagamit para ma unlock yung parang posas at ilang tinidor na rin ang nabali niya kaso wala pa rin talaga.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔
Fantasía"The pain you gave me is a sign that you truly love me, please, don't be upset and don't let me go...Because I am fully ready to be with you even if it means I'll die." In a world full of magic and powers. Extraordinary abilities and skills. Where l...