Chapter 7: training

4.2K 122 4
                                    

Alissa Felice POV

Nandito na kami sa kwarto kung saan kami matutulog ni Zack....at ang swerte ko talaga kasi kasama ko siya...note..sarcasm here.

Urghhh!!!!

Bakit ba kasi si Zack kasama ko dito eh ang sungit sungit neto....pshhh!minsan lang naman kasi ito sinasapian ng santo kaya bumabait ...

"Oh?anong binubusangot mo diyan...ano kala mo gusto ko to?pwes hindi noh!" sabi pa niya ..kaya napataas ang kilay ko.

"Kapal mo din noh!may sinabi ba ako,assuming ka rin eh!" sabi ko at inirapan siya..

Inilabas niya naman ang dila niya na parang bata.

Ewan ko ba kung makakasundo ko ang mokong nato,kung di lang ako iniligtas nito kanina ko pa to nasapak eh!

Pero syempre joke lang.ang lakas kaya neto,may laban ba ako?baka mabali lang ang buto ko!hahahah

"Tsk!" sabi niya...

Binabasa niya siguro utak ko kanina ...

Bahala siya diyan ..gusto ko nang umidlip kaya .humiga muna ako sa higaan ko..buti nalang at dalawang malalaking higaan ang nandito...kaso creepy yung design ng buong bahay... Gawa sa kahoy na parang luma na parang mga antigo...ewan!

.....

......

......

"Alice" isang matigas na boses ang aking narinig...umalingawngaw ito sa buong paligid...isa itong lugar na wala kang ibang makikita kundi puti ....

Matigas ngunit maamo na boses ito na napakapamilyar sa aking puso.na di ko mawari kung kanino galing ito.

"Who's there?" nagtataka kong tanong..

Bigla namang umilaw ang isang sulok ng lugar ...ilaw na nakakasilaw,at dahan dahan kong nakita ang isang matipunong lalaki ....

Lalaki na napakapamilyar ang mukha...

Nakasuot ito ng isang Bughaw na may puti at dilaw na armor...Naka sabit din sa gilid niya ang isang Espada.

"Alice" banggit niya muli sa aking pangalan ..ang kanyang tinig ay nakakapagpapapkalma sa aking kinakabahang damdamin.

"Sino ka?" tanong ko sakanya...habang kinukusot kusot pa ang aking mata dahil sa nakakasilaw na liwanag.

Hinawakan niya ako sa aking ulo at ngumiti ito..

"Nakakalungot man isipin na hindi mo ako matatandan sapagkat sanggol ka pa lamang nung ako ay lumisan sa mundong iyong ginagalawan........ngunit gayunpaman nais kong makilala mo ako kahit sa panaginip mn lang at mabahagi sayo ang aking kapangyarihan"
Mayhalong lungkot at pag asa ang kanyang ekspresyon habang sinasabi niya ito... napakunot ang aking noo...sino ba siya?

"Ako ang iyong Ama" nakangiti niya sambit.

Gulat man ako pero nagawa ko pa ring mayakap ng mahigpit ang aking ama..isang butil ng luha ang aking naramdaman na dumaloy sa aking pisnge.

"Ako'y nagagalak na makaharap at makilala po kayo aking ama" masayang turan ko at kumalas sa yakap.

"Ako rin anak....Masaya ako na lumaki ka na may dignidad at paninindigan.." sabi niya at hinalikan ang aking noo...kaysarap pala na mayakap ang iyong ama...Hindi ko ito naranasan nung akoy bata pa...

"Ama bakit ka po naparito sa panaginip ko?"

"Sapagkat panahon na anak...panahon na na ikaw naman ang gumamit nitong espada" sabi niya at inilabas ang isang maladyamante dahil sa sobrang kunang nito. Maaari mo ngang matignan ang iyong mukha dahil sa sobrang kinang.

Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon