CHAPTER 38: EA vs. Fangs pt2

2.4K 93 1
                                    

Third Person's POV

Patawa tawa si Liam na binubogbog at nilulunod ang mga kalaban. Dahil sa ginawa niyang pagnanakaw ng halik sa kasintahan. Hindi niya alam na may nakatingin pala sa kanya at nagmamatyag.

Napayukom ng kamay si Dull nang makita ang parang sira na si Liam. Hindi niya alam pero napipikon sa sa mukha ni Liam. Gusto niya itong tirisin na parang kuto.

Nang sisipain na sana ni Liam ang isang nakaitim na kalaban ay bigla itong umiwas kaya ang nasipa niya ay ang hangin lang at bumagsak siya sa lupa.

"Abay potek to! Hoy! Wag kang iilag pag may sisipa sayo! BOBO!" Sigaw pa ni Liam dito at sinamaan ng tingin ang kalaban at hinimas ang sariling puwet.

"Gago ka talaga Liam!" Sigaw naman ni Drake sa malayo habang may kinakalaban din.

"Alam ko gago!" Sigaw pabalik ni Liam. Hindi niya naramdaman ang presensiya ni Dull. Unti unti namang ginamit ni Dull ang kapangyarihan nitong i block ang kapangyarihan ng kahit sino.

Parami ng parami ang mga sumusugod kay Liam kaya laking gukat niya nanag hindi niya mapalabas ang kapangyarihan niya. Napamura nalang siya ng kay rami nang makitang nasa harapan na niya ang mga may dalang armas na mga kalaban.

Umiwas siya sa unang umatake sa kanya. Kumuha siya ng kahoy sa may gilid ng isang bahay at hinampas sa likod yung unang sumugod. Pagkatpos ay umikot siya at hinampas sa tiyan ang nakasunod.

Umiwas siya sa ilan at kinuha ang mga armas nito at sinaksak. Nagulat siya nang makitang hindi kagaya ng normal na tao ang mga kalaban na kapag nasaksak ay bumabagsak ang mga ito ay nagiging abo.

"Aishh! Tangina asan na yung Dull na yon?" Inis na bulong ni Liam sa sarili nang maubos niya ang kalaban na sumugod sa kanya.

Dull seemed not entertained, lumabas siya sa pinatataguan niya at blangkong tinignan si Liam. Nakita niya itong pinapagpagan ang sarili at tinitignan kung ilan ang nakuha niyang mga pasa.

"Tss!" Yan lanag ang naging reaksiyon ni Dull sa kaartehan ni Liam.

"Naku! Yung gwapo kong mukha, nasugatan ng mga hinayupak na yun!" Maktol ni Liam nang makita ang sariling repleksiyon sa bintana ng isang bahay.

"Wala namang magbabago sa mukha mo may sugat o wala mukha paring sira" sabi ni Dull kaya napalingon si Liam dito.

"Uy Dull! Andiyan ka na pala? Kaya pala di ko magamit ang kapangyarihan ko! Di kasi kita naramdaman di kasi malakas ang presensiya mo sa sobrang hina mo" simpleng sabi ni Liam na pumtik sa tenga ni Dull.

"Anong sabi mo? Hindi naman ako ang nakahiga sa unang sangga natin ah!"

"Pinagbigyan kang kita Dull, baka kasi iiyak ka kapag wala kang maipagmalaki kapag 2-0 yung laban natin eh!" Nakangising sabi ni Liam. Sa element royalties si Liam ang may verbal techniques sa mga kalaban. Nagagamit niya ang pagiging madaldal niya para madistract ang kalaban niya.

"Mukhang minamaliit niyo na kami enchanted? Bakit? Lumakas na ba kayo? Wag puro hambog ang ilabas sa mga bibig enchanted at baka kainin niyo ang mga sinabi niyo" seryoso na sabi no Dull.

"Bakit? Kayo lang ba ang may karapatan na magyabang ha? Fangs? Ito na nga lang ang paraan namin para ma lift up yung payting spirits namin tapos pagbabawalan niyo pa kami?! Ano ha? Suntukan gusto mo?!" Normal na sabi ni Liam at nag action pa na suntok suntok at uppercut sa hangin..

"He is born crazy" tanging nasabi lang ni Dull sa sariling isip. At napailing iling. Kasabay ng pag iling niya ay ang pagsugod ni Liam. Sinuntok siya ni Liam gamit ang kanang kamao niya at sinipa gamit ang kaliwa niyang paa ng walang ginagamit na  kapangyarihan dahil binoblovk ito ni Dull.

Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon