Chapter 33:FINAL BATTLE

2.5K 89 1
                                    

Alissa Felice POV

"ALISSA!?!!" gulat na sabi nila. Napapikit naman ako habang hinahabaol ang hininga ko. Masyadong malayo ang kaharian ng Landea sa Aera kaya madaming nabawas sa kapangyarihan ko at lalo na sa enethiya ko.

"Aacckk!!!!" Napahawak namn ako sa dibdib ko nang maramdamang naninikip ito. Napahawak din ako sa pader bilang suporta.

"HEALERS!!! kailangan niya ng lunas!! Masyadong na drain ang kapangyarihan niya!" Utos ni Madame.

Inalalayan naman ako ng ibang taga A class para maihiga.

Nakapikit parin ako at iniinda ang sakit na nararamdaman..

I am hurt...

Physically and emotionally....

Napahinga naman ako ng maluwag nang mabigyan na ako ng lunas. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang mga mata ng mga kasamahan ko na nag-aalala at tila gulo ang isipan.

Napaupo ako at napayuko. Ni hindi ko malaman ang wastong mga salitang bibigkasin sa kanilang harapan. Kung bakit ako lang ang narito sa harapan nila. Kung bakit nag-iisa lang akong nakawala.

Pilit na hinahanap ng kanilang mga mata ang taong lagi kong kasama. Taong sabay ng aking pagkawala. Taong akala ko ay magliligtas sa buhay ko.

Pero bago ako nagsalita ay hinayaan ko ang kapangyarihan ko na kusang lumabas sa katawan ko, upang magawan ng proteksiyon ang buong kahariang ito.

Matapos kong gawin iyon. Ay huminga muna ako ng malalim bago tuluyang sabihin ang totoong nangyari.

"Zack is with them" panimula kong sabi. Nagtaka at naguluhan naman sila sa mga tinuran ko. Maliban sa mga kasamahan ko na alam kong nagtungo roon.

"What do you mean by that?!" Naguguluhang tanong ni HM. Napatingin ako sa kanya na may malungkot na mga mata. Kahit ako ay hindi ko lubos maakala.

"Kasapi na siya ng DWE. Hindi ko alam kung bakit at paano. Pero sumama na siya ng tuluyan sa kanila" paliwanag ko pa. Napaatras naman si HM at napahawak sa dulo ng mesa at napailing.

"No. This can't be happening! He will never do that. He will never betray us" sabi ni HM habang umiiling. Napayuko lang ako at naghahanap ng mga salita.

"He-- he can't remember me Headmaster---No, I should say... He doesn't know me" nakayuko kong sabi na mas nagpagulat sa lahat.

"That's impossible!" Giit ni Chane. Pero napailing ako at napangiti ng mapakla. Nothing's impossible.

"It's true. Even us... He can't recognize who we are" sabi naman ni Liam at mahinang inilapag muna si Zay at pinatong ang ulo nito sa mga hita niya.

"And for him... We are the enemies" dagdag ni Drake.

"He even fought us earlier. Kaya hindi namin magawang kumibo nang makarating kami. Hindi namin lubos maisip na siya nga iyon" sabi naman ni Zane habang nilalagyan siya ng benda sa ulo ni Ayeisha.

"What color does Zack's eyes have?" Tanong naman ni Madame. Napaisip naman ang iba.

"He usually has intense red eyes" sagot ko.

"Oo nga tama! Nakaktakot nga minsan ang mga mata nun kaya wala masyasong tumititig sa mga yun" aang ayon naman ni Liam.

He have red eyes... Intense red eyes.

While I have blue eyes... Intense blue eyes.

At mas mahahalata yun kasi purong itim na ang mga buhok ni Zack ngayon. Unlike before na pula ang buhok niya kaya hindi masyadong nahahalata ang pagka intense red ng mga mata niya.

Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon