Third person's POV
"Bwesit naman oh! Hindi ba nila alam ang salitang pahinga?!" Maktol ni Liam habang nag uunat unat at dinudungaw ang mga kalaban.
"Bobo! Eh kung ikaw?! Malalaman mo na mahina ngayon ang kalaban mo? Hindi ka susugod? Ha? Ha? Susugod ka alam ko yang utak mo!" Sabat naman ni Zay at binatukan si Liam.
"Anong susugod? Babe naman! Hindi ako mag titake advantage no! Alam mo naman na ayaw ko sa walang thrill! Eh kung mahina kalaban ko asan ang thrill dun diba? Kaya eengkkk wrong answer babe! Kaya----" hindi tinapos ni Liam ang kanyang sinabi dahil hinalikan niya kaagad sa labi si Zay na nagpatulala dito. Agad siyang sumugod sa mga kalaban upang hindi ito tuluyang makalapit.
"Siraulo ka talaga Liam" bulong ni Zay na namumulo dahil sa..... Kilig.
"Bwesit talaga! Alam niyang may laban tapos ginaganito niya ako?! Humanda kang siraulo ka!"
Winala na muna ito ni Zay sa isip at sumugod na rin sa mga kalaban. Wasiwas dito, wasiwas doon. Talon dito, talon doon. Pubtirya dito, puntirya doon. Yan ang paulit ulit na ginawa ni Zay nanag sumugod siya. Nawala sa paningin niya si Liam. Hahanapin niya sana ito nang biglang may naramdaman siyang paparating na malakas na hangin kaya agaran siyang yumuko upang hindi mahagip nito. Agad niya sinugod ang direksiyon nito at nakita ang babaeng umilag.
"This brat, again." Bulong niya. Napaayos siya ng tayo nanag makitang ngumisi ang batang ito sa kanya.
"Oh tanda? Este Liana" asar niya rito. Ang kaninang nakangisi ay napalitan ng busabgot ang mukha ni Liana.
"How dare you to insult me. After I made you fully knocked out huh?!" Mataray na sabi nito. Napairap naman si Zay at nag mimake face. Napakunot naman ang noo ni Liana dahil sa asta ni Zay.
"Hey! Are you mocking me? Huh? Huh?"
"Huh? Huh? Huhnong saveh mow?" Panggaya ni Zay sa boses na maarte pero mataray ni Liana. Napungot naman si Liana at inangat ang kamay para sugurin si Zay nang may metal na sumugod sa kanyang kamay at nadaplisan ito kaya nagkasugat at dumugo. Nanlaki naman ang mata ni Liana at napatingin sa direksiyon kung saan nanggalin ang metal na iyon.
"Oh? Ano to? Reunion?" Natatawang sabi ni Chane.
"Oo! Late kana. May multa na!" sabay naman ni Zay. Natawa naman si Chane at napailing.
"Oh ano na batanda!" tawag naman ni Zay kay Liana..
"H-how d-did you do that without making me notice it!?! " galit na sabi ni Liana. Napa ngisi naman ang dalawa.
"It's simple..... We know your weakness" nakangising sabi ni Chane at sinipaan ang nakaitim na sumugod sa kanila. Sinikmuraan naman ni Zay ang isa.
"Sa sobrang lakas ng kapangyarihan mo. Lumalakas din ang enerhiyang kumakawala sa katawan mo. That made you visible unto others. Yes you are strong and powerful but you still don't know how to control it. Kaya kita agarang napansin kahit napakaswabe ng galaw mo." Sabi naman ni Zay at pinapaikot ikot ang yelong punyal sa kamay.
"When Zay. started to mock and play around you. You get easily attached. Why? Because you're young, madali kang mawalan ng focus sa isang bagay lalo na kapag may nakakuha ng atensiyon mo. Nawawala na ang pakiramdam mo sa paligid kapag nagsisimula kanang mainis, o ano pang extreme emotions. Kaya nung paparating ako at pagsugod ko ay hindi mo napansin dahil sa pag compress kp sa kapangyarihan ko at dahil na rin sa pagiging distracted mo. Young child" paliwanag naman ni Chane. Napanganga si Liana at hindi makapaniwala sa sinasabi ng dalawa.
"Oh? We just learned that batanda, we just learned how to know an opponent. Hahahha" tumatawang sabi ni Zay na nagpagalit ng husto kay Liana.
Kahit anong gawin ni Liana ay alam niyang nalaman na nga nila ang kahinaan niya. Alam niyang totoo ang sinasabi ng dalawa kaya wala siyang ibang mgawa kundi ang magalit.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔
Fantasía"The pain you gave me is a sign that you truly love me, please, don't be upset and don't let me go...Because I am fully ready to be with you even if it means I'll die." In a world full of magic and powers. Extraordinary abilities and skills. Where l...