Chapter 17: NECKLACE

3.4K 111 0
                                    

Alissa Felice POV

"CALLING ON THE ATTENTION OF MS. ALISSA FELICE, ZACK ALFRED, ALTHEA ZAY, LIAM DREW, CHANE MYTTHE, AND DRAKE STAWN.... PLEASE GO TO THE HEADMASTER'S OFFICE RIGHT NOW" isang anunsiyo ang aming narinig habang nagkaklase ang prof namin.

Tumayo naman agad sina Zack, kaya tumayo na rin kami. Sabay sabay kaming naglakad papunta sa office ni HM.

"Naks! Ano kaya ang sasabihin ni Dean" sabi ni Liam.

"Malamang about sa training yun" sagot naman ni Drake.

Tumango tango naman kami.

"Ang bobo lang?" Bulong na sabi ni Zay. Hays kanina pa ang mga to. Pero nakakatawa sila hihi.

"Eh kung halikan na naman kita jan ha?!!" Sigaw pa ni Liam n aikinagulat ni Zay \(〇_o)/

"Utot mo Liam!!!! Tumahimik ka jan!" Namumula na sabi ni Zay na ikinatawa namjng lahat. Syempre maliban sakanya.

Naka rating na kami sa office ni Dean habang siya ay nakangiting nakatingin sa amin. Kaya nagtaka kami sa kilos niya.

"What's with your smile?" Takang tanong ni Z.

"Well maganda kasi ang place na pagt-trainingan ninyo" nakangiti paring sabi ni HM.

Sumilay naman ang mga ngiti sa aming labi dahil sa sinabi ni HM. Buti nalang at di gaya ng dati na sa gubat kami nag training.

"Pero....... Maglalakad lang kayo papunta sa lugar kung saan ang pageensayo ninyo. Walang transportasyon na ihahanda dahil dito palang ay magsisimula na ang inyong warm up bukas ng nadaling araw. Kaya magimpake na kayo ngayon din" mahabng salaysay ni HM. At biglang umilaw ang paligid at may portal na lumabas at nilamon kami nun. Tsaka na namin nalaman na nakabalik na kami sa dorm.

Ang aga naman.. So ayun na nga nag empake na kami. Sila sky naman ay sasama sa amin. Kasi walang mag-aalaga sa kanila.

Habang nag-eempake ako may nakita akong isang kwentas na nasa ilalim ng kama ko. Kumikinang ito kaya napansin ko. Kulay asul ito na may kulay puti.

"Sky?" Tawag ko kay Sky. Dahan dahan naman itong lumapit sa akin. At pansin ko rin na parang nanghihina siya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko. Tumango naman siya ng dahan-dahan.

"Kanino galing to?" Tanong ko sabay pakita ng kwentas. Ilang minuto niya itong tinitigan bago sumagot.

"Ewan" sabi niya lang at umalis. Nakakapanibago ang pakikitungo ni Sky sa akin. Parang nanlalamig.

Nabalik lang ako sa ulirat nang may kumatok sa pinto.

"Sabay daw tayong kumaing anim. Dun sa baba" sabi ni Zack. Tumango naman ako. Ibinulsa ko muna yung kwentas tsaka lumabas. Parang may kakaiba din lay Zack pero hindi ko alam.

Sabay kaming apat pababa ng dorm namin. Sa baba nalang daw kami magkita nila Zay kasi nga sa kabila pang building yung dorm nila na may kalayuan sa amin.

Seryoso lang na nakayuko si Zack at nakatingin sa daan. Nauna naman sa paglalakad sina Liam at Drake na nag-uusap. Hays! Nabobother na ako sa mga asal nila. Kanina si Sky. Ngayon naman si Zack. Gosh!

Pagkarating namin sa baba. Sakto rin ang pagdating nina Zay at Chane sakay ng Automobile na vehicle.

Gaya nang inaasahan nag ingay na naman si Zay. At sinabayan naman ng boyfie niya.
(」゚ロ゚)」

"Hoy! Bat ang tahimik ninyo. Para kayong nasa lamay!" Biglang sabi ni Zay kaya nabalik ako sa realidad.

Umiling muna ako bago sumagot sa kanya.

Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon