Alissa Felice POV
Umiiyak ba siya?
Tinabihan ko naman siya.
"Hey are you okay?Umiiyak kaba?" natatarantang tanong ko....
Nakakapanibago lang kasi...Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak,Like Hello?!!! Napakasungit kaya nito!!
"Hindi noh! Napuwing lang ako,mahangin kasi" sabi niya at kinusotkusot ang mata niya.
Sige sabihin nalang natin na benta sa akin yung palusot niya....mahangin nga pero madamo naman ang lupa."May problema ba?" tanong ko sa kanya..hindi kasi siya ganito ,kaya hindi ako sanay...Sanay ako sa pagiging masungit at astig ng mokong na to.
"Nah~ Naalala ko lang si Papa" sabi niya . Bakas sa tono niya ang pagiging malungkot.
"Ok lang ba na mag share ka? Kung ayaw mo okay lang naman din naii--"
" No .... Gusto ko ding malaman mo" sabi pa niya sabay tingin sa malayo.
Nakatingin lang ako sa kanya at taimtim na nakikinig sa susunod niya na sasabihin.
"When I was 3 years old.... Nandoon kami sa Academy ng mga panahon na yun,kasi reunion nila nung mga panahon na yun. Nandun ka nga eh" sabi niya sabay tingin sa akin.
Napakunot naman ako at pilit na tinatandaan ang mga pangyayaring iyon.
"Oo nga pala...inalis ni Mata ang iyong mga alalala" napa iling iling na sabi ni Zack.
"Kayo lang ng iyong ina ang nandoon kasi sanggol ka palang ay nabawian na ng buhay ang iyong ama....Nasa hapag kainan na ang lahat noon..nang may narinig kaming pagsabog sa labas ng Akademya..Nasira na pala ang barrier kaya nakapasok ang kalaban ...... Nagkahiwalay tayo noon kaya hindi ko alam ang nangyari sa iyo..pero nalaman ko na nakatakas ka kaya payapa na ang kalooban ko noon..alam mo kung bakit?" tanong niya sabay tingin sakin.
"Kasi alam kong nakaligtas ang Best friend ko" sabi niya at ngumiti ....nagulat naman ako sa sinabi niya..hindi ko alam kunga no ang irereact ko ...
Zack Alfred POV
3 taong gulang palang ako noon pero mature na ang pag iisip ko...presko pa sa aking ala ala ang mga pangyayari...
*Flashback*
Nasa hapag kami ngayon kumakain ng hapunan.. Kasi ngayon ...nagtitipon tipon ang dating mag aaral ng Akademyang ito ...ang Enchanted Academy.... Nandito kami kasi dito dating nag aaral si Mama at si Papa.
Masaya kaming kumakain nang biglang may narinig kaming pagsabog sa labas.
*BOGSH!!!!!!!*
"MAY MGA KALABAN!!!!!!!!" biglaang sigaw ng isang Guardia
Napatayp naman sina Mama at Papa at ang mom ni Alice... Nagkatinginan kami ni Alice kasi hindi namin alam kung ano ang nangyayari.
"Maghanda kayo!!!!!!" sigaw ni tito Harold at pinalabas ang kanyang kapangyarihan...
Biglaan namang lumabas ang isang espada sa kamay ni Mama ...espada na itim at pula na nag aapoy habang si Tita Aliciana naman ay pinapalibutan ng hangin.
Si papa naman ay may nag aapoy na kamay at nanlilisik na mata...
Kinakabahan na kami ni Alice noon kasi hindi namin alam kung ano ang gagawin....
Nagsilabasan naman ang mga Enchanters kasi susugod na sila sa labanan....habng kami ni Alice ay naipit sa kumpulan ng mga enchanters na pilit na lumalabas...kaya nagkahiwalay kami ni Alice.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔
Fantasia"The pain you gave me is a sign that you truly love me, please, don't be upset and don't let me go...Because I am fully ready to be with you even if it means I'll die." In a world full of magic and powers. Extraordinary abilities and skills. Where l...