Alissa Felice POV
Pumunta na kami sa table kung saan nandun ang mga kaibigan namin ni Zack. Nakakapagtaka lang kasi may naramdaman kaming kakaibang enerhiya na nakasunod sa amin.
Pero binalewala nalang namin. Pero di pa rin iyon nawala sa isip ko. Nakakain na kami at nakabalik na sa klase pero wala parin. Nandon pa rin yung pangyayari kanina.
Kakaiba kasi ang presensiyang iyon. Malakas, at di pang karaniwan. Aissh ewan ko ba bat napraning ako bigla ng dahil lang don. Di ko maipaliwanag. Kakaiba kasi talaga.
"Anyare sayo? Okay ka lang?" Tanong ni Zack bigla kaya nabalik ako sa ulirat dahil dun.
"H-ha? Ah.. Oo ayos lang ako. May iniisip lang" nakangiting sabi ko.
"Tungkol pa rin ba yan kanina?" Tanong niya. Pero hindi ako nakasagot.
"Halatang halata ka. Kanina ka pa balisa dahil diyan eh" sabi pa niya kaya napabuntong hininga ako.
"Eh. Kakaiba kasi talaga yung kanina" nasabi ko lang.
Bigla niya naman akong inakbayan kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti sa sakin.
"Wag mo nang alalahanin yun okay?" Nakangiting saad pa niya. Napatango naman ako.
"Hoy! Kayong dalawa ha! Kanina pa kayo naglalambingan! Tara na! May klase pa tayo" kahit kailan talaga napakalaki ng bunganga ni Zay hays!.
Naglakad na kami papuntang classroom nang may mahagip ang mata ko. Di ko alam kung ano yun at hindi ko alam kung saan yun nagmula at papunta.
Ewan ko kung ano basta isa itong bagay na nakalutang at papunta sa likod ng isang building kung saan wala masyadong tao.
Ano kaya iyon? Tanong na pilit na ginagambala ang aking isipan. May nararamdaman akong kakaiba eh. Parang minamatayagan kami ng bagay na iyon. Na hindi ko mawari kung ano at bakit.
Pinilit kong alisin iyon sa aking isipan at mas itinuon ang pansin ko sa itinuturo sa amin.
Di naman naging mahirap para sa akin. Kasi nagustuhan ko rin ang itinuturo.Tungkol ito sa mga Enchanted spell noong napakatagal na panahon. Ngunit sabi ni Prof. Illegal na ang paggamit ng mga spell na ito.
"Ang mga spell na ito ay hindi basta bastang isinasabi lang. Umeepekto lang ito sa iba't ibang paraan. Upang maiwasan ang pagkagulo noong unang panahon. Ang mga spell na ito ay magiging epektibo lang sa pamamagitan ng Tubig, bagay, o hangin." Sabi ni prof.
Nakuha ng isang spell ang atensiyon ko.
"May isang spell na kayang maapekto sa kapangyarihan at katawan ng enchanter... Kaya nitong i drain ang kapangyarihan at lakas nito kaya naghihina ang mga tao na mapaggagamitan nito, so far ito ang spell na hindi pa nalalaman kung ano ang gamot.... Ang spell na ito ay tinatawag ng karamihan bilang.
'Hechizo immortal' na ang ibig sabihin ay Undying spell. Hindi namamatay ang taong mapaggagamitan nito kund pinapahirapan nito ang kataawan nito hanggang sa sumuko ito." I don't know why pero nabuhay ang kuryusidad ko sa spell na yun. Ewan ko ba.Natapos ang araw namin na puro discussion lang ang naganap. Hinatid naman ng dalawang boys si Zay at Chane sa Dorm nito, at sabay naman kami ni Zack papuntang dorm namin.
Naglakad lang kami at nag kuwentuhan.
"So... Anong plano mo? Pagka graduate mo?" Bigalng tanong ni Zack kaya napatingin ako sa kanya. Napa isip rin ako dahil sa tanong niyang yun.
"Hmmm? Sa tingin ko isasaayos ko na ang kaharian at pamunuan ito ng mabuti" nakangiti kong sabi.
"Sana huli na yung paglusob na naganap." Dagdag ko pa.... Natahimik naman kami ng ilang saglit.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔
Fantasía"The pain you gave me is a sign that you truly love me, please, don't be upset and don't let me go...Because I am fully ready to be with you even if it means I'll die." In a world full of magic and powers. Extraordinary abilities and skills. Where l...