Third person POV
Another day has risen. Few men are fallin'. As the game began.
Isang malakas na hiyawan mula sa mga manunuod ang tanging naririnig sa buong arena. Kanya kanyang suporta ang kanilang binibigay sa mga kalahok.
Pero ilang saglit nang magsimula ang laro ay unti unti itong binalot ng katahimikan at pagtataka. Sapagkat ang grupo nila Zack at Alissa ay nanatiling nakatayo lamang sa kanilang puwesto at taimtim na nakatutok lamang sa daan.
Para silang mga istatwa dahil kahit kaunting kilos ay hindi nila ginawa. Nakatutok lamang ang mga mata nito at malalim ang iniisip.
Kahit ang mga kasamahan nito ay nagtaka dahil sa kilos ng mga ito. Gumugulo sa kanilang isipan kung bakit hindi magawang kumilos ng mga ito.
Pero si Madame Olvera ay nakangisi lamang at natatawa dahil sa reaksiyon ng karamihan.
"Hoy! Olvera! Ano na namang pakulo ito ha!?" Inis na tanong ni HM kay Madame Olvera pero sinamaan lang siya ng tingin nito.
"Wag mo kong ma hoy hoy ha! Untog kita diyan eh!" Sagot naman ni Madame. Napa face palm naman ang ibang kabataan na kasama nila dahil sa asal ng dalawa.
"Hindi napo kayo mga bata" naka poker face na sabi ni Riana. At napa irap. Napa ayos naman sina HM at Madame Olvera dahil dito.
"Obserbahan ninyo ng maigi ang mga ito. Diyan niyo mahahalata kung ano ang tunay na nangyari sa mga ito" sabi lang ni Madame at tinutok muli ang atensiyon sa paligsahan.
Nagtaka naman ang iba at ginawa nalang ang sinabi ni Madame.
Gulat silang napatingin kay Madame nang mapansin nila ito. Halo halo ang kanilang emosyon dahil sa nabatid nila.
Magkahalong gulat at pagkamangha ang tinuturan ng mga mukha nila.
"OMG! That's fake!!" Sigaw ni Diana na ikinagulat ng iba.
"We've been tricked!" Sabi naman ni Riana. At napasapo sa noo.
"I can't believe this!" Maktol ni HM. Natawa lang si Madame sa kanila.
"Si Drake panigurado ang may gawa nito. Kitang kita ang buhangin na tinatangay ng hangin oh!" Sabi ni Carlo.
"And that not it! Kasama din ang kapangyarihan ni Zack at Ali sa trick na ginawa nila." Sabi ni Lucas.
"You're correct. Zack and Ali's teleportation magic has been improved. If they join their powers together they can teleport a group of people." Paliwanag ni Madame.
"A-AND THE FIRST FLAG GOES TO ENCHANTED ACADEMY!!!!!"
Gulat na napalingon ang lahat sa projection dahil nakita nila si Zay na may napatumbang kalaban mula sa Aquandian Academy. At sinundan naman ito ni Chane na napatumba ang isa galing sa Landea Academia.
Pinakita rin kung saan ang ibang kasama nila. Si Drake at Liam. Tumatakbo pa ang mga ito at naghahanap ng kalaban.
Pero hindi masagap ng monitor nila kung nasaan sina Alissa at Zack.
Pati ang taga Flammean ay nagtataka kung bakit hindi nila malaman kung nasaan ito.
Ang isang taga flammean ay nasa isang tuktok ng tore. Kung saan may malaking orasan. Nanatiling nanunuod sa mga kalaban niya na nakikipaglaban.
Taimtim lang itong nanunuod hanggang sa may nabatid ito tsaka siya ngumisi.
"You can't hide from me. Enchanted" sabi niya at kumumpas sa kanyang kamay. Nagulat nalang ang mga tao nang lumabas kung saan si Alissa at Zack at pati sila ay nagukat sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔
Fantasía"The pain you gave me is a sign that you truly love me, please, don't be upset and don't let me go...Because I am fully ready to be with you even if it means I'll die." In a world full of magic and powers. Extraordinary abilities and skills. Where l...