Alissa Felice POV
Hinihingal na ako ,kahit isa lang ang kinakalaban ko triple naman ang lakas neto. Napalingon ako sa likod ko,tumatakbo papalapit dito sina Zay at ang iba na nasa Hilaga. Si Zay halatang pagod na pagod na puro pasa at sugat na rin ang kanyang katawan at alam kong ilang minuto nalang at magcocollapse na siya.
Meron paring ilang kalaban na nakasunod sa kanila, napabaling nman ang atensiyon ko kay Chane para nang lasing si Chane dahil hindi na siya makapaglakad ng maayos may sugat din siya sa kanang braso niya, si Drake naman ay may kinakalaban pa gayun din si Zack tinulungan naman sila ng iba pang boys na dumating na halata ring mga pagod at nasasaktan dahil sa natamong mga sugat.
At muli namang napabaling ang atensiyon ko sa kalaban, dahil sa nakikita ko,kung gaano katatag ang mga kaibigan ko, ganun din ako, hindi ako susuko,lalaban ako, maprotektahan lang abg mga kaibigan ko at ang kaharian ko.
Seryoso ko siyang tinignan, humalaksha pa siya pero habang nakapikit siya dahil sa kakatawa kinuha ko ang opurtunidad na iyon upang sikmuraan siya at patirin sa mukha. Nagulat naman siya at biglang nanlisik ang mga mata.
" YOU LITTLE BRAT!!!" sigaw niya matapos pahiran ang dugo sa kanyang kaliwang parte ng kanyang labi.
Bigla naman siyang tumayo ng matuwid tsaka pinagtapat ang dalawang palad sinugod ko naman siya dala ang espada ,pero sa di malamang dahilan, bigla siyang nawala at napunta sa likod ko, pagkalapag ko sa lupa agad kong nabitawan ang eapada ko at napahiga ako at napaubo ng dugo. Sh*t !
"Hahahahaha! Wag mo akong gagalitin bata!" sabi niya at akmang hahawakan ang espada ko. Kahit nanglalabo ang paningin nakita ko pa rin kung paano niya nabitawan ang espada ko dahil sa hapding naramdaman. Napa smirk nalang ako kahit dumadaing pa rin.
Hindi niya mahahawakan ang espada apagkat hindi malinis o dalisay ang hangarin ng kanyang puso.
Napahawak naman ako sa kanan kong baywang,ito ang napuruhan sa atakeng ginawa ng emperor ngayon na sa sobrang bilis hindi ko na namalayan kung paano iyon nagawa.
Napatingin ako dito, nanalaki ang nata ko ng may makitang berdeng nakapalibot sa parteng ito. At parang kinakain ang laman ko. Napa daing naman ako sa sakit.
"Walang silbi!" sigaw ng emperor kuno at sinipa ako kaya napahiyaw ako dahil sa mismong pasa ako natamaan.
Napatingin naman ako sa kanya at dahan dahan bumangon habang nakahwak pa rin sa pasa.napahalkhak naman siya at muling nagturan.
"Nagtagumpay pala akong malagyan ng lason ay iyong katawan hahahaha! Ngayon magdudusa ka sa sakit na idudulot niyan, hanggang sa malagutan ka ng hininga dahil sa sakit!" pasigaw na sabi niya atsaka muling tumawa.
Kahit masakit ay pinilit kong makaupo man lang, tinignan ko lang siya ng seryoso sa mata, itinaas ko naman ang kanang kamay ko at malakas na hinampas ang lupa dahilan upang makagawa ako ng magic circle na papalibot sa lugar at magiging dahilan kung bakit lulutang ang mga kalaban.
lumutang nga ang lahat ng kalaban namin na ikinagulat ng mga kasama ko, hindi makagalaw ang mga kalaban namin kaya ito ang tsansa upang atakihin sila. Hindi ako maka atake kasi pag ginalaw ko ang kamay ko sa lupa nawawala ang magic circle.
Napatingin naman sila sa akin. At kahit hirap pinilit kong sumigaw at ipahatid ang gagawin.
"NGAYON NA!!!! SABAY SABAY NIYONG ATAKIHIN ANG MGA KALABAN HANGGANG KAYA KO PA SILANG PIGILAN!!!" Sigaw ko at napapikit ilang saglit nalang mawawalan na ako ng malay. At mawawala na ang bisa ng magic circle kaya kung hindi pa ngayon baka mas lalo pa silang mahirapan. Hindi madaling kalaban ang grupong ito malalakas sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/161414764-288-k484851.jpg)
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔
Fantasia"The pain you gave me is a sign that you truly love me, please, don't be upset and don't let me go...Because I am fully ready to be with you even if it means I'll die." In a world full of magic and powers. Extraordinary abilities and skills. Where l...