Chapter 22: CENTRAL COUNCIL

3K 100 0
                                    

Alissa Felice POV

"WAHHHHH!!!!! ANG GANDAA PAARREENNNN!!!!" Napatakip ako anang tenga nang biglang sumigaw si Zay at ang nga mata niya ay parang kumikinang. Napa iling nalang si HM sa kanya.

Kakarating lang kasi namin sa Central Council. Ito ang pinaka sentro na lugar sa buong kontinente namin. Nasa gitna ito ng apat na kaharian. Dito nakatira ang mga namamahala o ang nagpapanatili ng kaayusan sa kapangyarihan sa buong kontinente.

Ang mga enchanters na narito ay may matataas na antas ng kapangyarihan na kahit ang headmaster ng kanya kanyang paaralan ay natatakot sa mga ito.

(A/n: Ang Central Council ay yung buong lugar. Habang ang Magic Council ay yung Organisasyon ng mga nagpapanatili ng kapayapaan sa apat na kaharian. Habang ang Central Council Grand Arena, ay ang malaking bahagi ng Central Council na kung saan magaganap ang The Battle Between the Strongest Enchanters)

May limang pinakamataas at pinaka ginagalang sa Magic Council.

Una ay si Pinunong Agapi. Siya ay kilala bilang Pinunong mapagmahal dahil isa sa kanyang kapangyarihan ang pag mamahal. Nababatid niya kung tunay ba na mahal ng isang tao ang para sa kanya'y mahal niya. Siya ang nagpapalaganap ng pag-ibig sa buong kontinente. Tinatawag siya ng iba na Lady Love

Pangalawa ay si Pinunong Dara. Kilala siya dahil sa kanyang mga salitang walang kupas. Na nakakaantig ng damdamin. Ang tawag ng iba sa kanya ay Lady Wisdom. Siya ang matalik na kaibigan ni Pinunong Agapi.

Pangatlo ay si Pinunong Sage o mas kilala bilang The Wise Man. Siya ang tinatingalang pinakamahusay na mag plano sa pakikipag digma. Ilang digmaan na rin ang kanyang naipanalo. Kasma na roon ang digmaang naganap na kasali ang mga magulang namin.

Pang apat ay si Pinunong Abaddon, The Angel of Death. Siya ang pinakamahilig sa away noong mga binata pa sila, Kinakatakutan siya ng lahat dahil magaling siyang magpasya kung aning parusa ang nararapat sa isang may malaking kasalanan na enchanter kahit kamatayn pa ito.

At ang Pang lima ay si Pinunong Maximus, The Greatest one. Sa lahat ay pinakakinakatakutan at ginagalang kahit ang mga kasama niya ay napapayuko tueing darating siya. Dahil halos lahat ay nasa kanya na. Mahusay siya sa lahat ng aspeto at walang tatsiya. Siya ang pinakanahusay sa nga sandata.

Sila ay namuhay rin ng ilang taon dito. Halos ilang daang taon narin ang nakakaraan kaya't matanda na talaga sila subalit kaming mga enchanter ay hindi tuluuyang tunatanda gaya ng isang normal na tao. Oo tumatanda .kami pero kapag nakatungtong na kami sa edad na 50 ay hindi na tunatanda ang amuing mga wangis.

"Oo nga wala oaring pinagbago ang lugar na to engrandeng engrande parin" nag salita naman si Chane na katulad rin ni Zaya y kumikisap din ang mata.

"Hala sige! Gumala muna kayo pero kailangang makabalik kayo agad sa pagtutulugan niyo bago msgmadaling araw. Magsisimula na ang paligsahan" bilin ni Hm laya agad na kaming nagsitalbuhan at nagounta kahit saan.

Nakita namin ang bagong hardin malapit sa Opisina ng taga Magic Council. Naglibot libot pa kami at kumain kahit saan.

Hanggang sa napagdesisyunan namin na pumunt ana sa lugar na sinabi ni HM sa amin. Maliit lang ito para sa aming anim. Pero sakto lang ang anim na higaan.

"Seryoso ba sila? Ito lang yung titirhan natin?" Taning pa ni Drake na halatang hindi niya nagustuhan ang titirhan namin.

"It's so unfair!!! Rinig ko na ang Aquandia Academy ay may pool ss kanilang quarter habang tayo magsisiksikan na pra bang mga insekto?!" Maktol pa ni Liam at umupo sa higaan.

"Wala na tayong magagawa" sabi ni Zack at naupo narin. Napakunot nan ako ng noo.

"Bakit ganito ang trato nila satin? Marami din akong narinig na hulong bulongan nang makarating tayo" tanong at sabi ko ss kanila. Nagtaka kasi ako lung bakit madaming hulong bulongan pagkarating namin dito.

Enchanted Academy:School For Enchanters(COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon