Prologue

39.8K 411 32
                                    

My brother knocked me over the sofa when I did not respond to him.

"Are you listening?! You dickhead!"

I grunted and lay my back on the floor. Hinimas-himas ko pa ang braso ko na tumama sa lamesita.

"Gising ka na ba? Umupo ka nga at mag-usap tayo ng maayos." Sabi niya sabay sipa ng marahan sa aking binti.

Matamad akong tumayo at pabalag na umupo sa sofa.

Alam ko na at memorya ko na ang mga sasabihin niya. Narinig ko na ito ng milyong beses kay Mama, at kahit ilang beses ko pa ulit marinig ay wala ng pumapasok sa kokote ko.

Tumayo si Kuya sa aking harapan saka nagpamaywang. Yumuko naman ako at kunwaring nakikinig.

"Is this what you want to do with your life? Maging tambay buong buhay mo?" Tanong niya saka ako tinulak-tulak sa dibdib gamit ang kanyang hintuturo.

"Hindi ko pinagawa ang bahay na 'to para sayo. Kailangan mong mag-trabaho para sa sarili mo, wala ka bang pangarap sa buhay mo? Hindi habang buhay nandito kami para sayo."

Kumuyom ang aking panga. Alam ko naman na wala akong silbi sa pamilya na 'to. Wala talaga akong pangarap sa buhay at wala akong interes sa ibang bagay.

Aanhin pa ang yaman ng pamilya ko kung hindi ko gagamitin?

Kung ayaw naman nila ako sa pamamahay nilang lahat ay puwede naman akong lumayas.

"You've finished college. You're a BM graduate. Bakit hindi mo 'yun gamitin? Puwede ka magtayo ng sarili mong business or what."

I'm so done with this. Ulit-ulit nalang ang ganitong usapan. Hindi pa ba sila nagsasawa kaka-sermon sa akin? Kasi ako sawa na. Lumalabas nalang sa kabilang tainga ko ang mga sinasabi nila.

Tumayo ako para makaalis na sana ng kanyang bahay pero kinwelyuhan niya ako bago pa ako makatalikod sa kanya.

"You fucker! Set yourself straight, will you?! Sasama ka sa akin sa bar ngayon." Galit niyang sabi saka ako itinulak.

Napaupo ako pabalik sa sofa at sumigaw nalang.

Shit life.

Wala akong nagawa kaya kahit labag sa loob ko ay nagbihis ako saka niya ako isinama sa isang bar na pag-aari niya.

The bar is on high. Buhay na buhay ang gabi rito at ang dami ng taong nag-iinuman at nagsasayawan sa dance floor.

Inakbayan ako ni Kuya saka inilapit ang mukha sa akin.

"Try to get yourself familiarize with everything in here, and go to the bar area over there and talk to the bartender." He shouted over the booming music and pointed at the bar area. "Don't you dare go MIA on me or I'll kick your ass back to our mom's uterus." Banta niya na nakaturo sa aking mukha.

Tumango lang ako at umalis na siya para pumunta sa kung saan saka ko iginala ang aking mga mata.

The bar looks vibrant and fun. The central design piece has a LED "firework" ceiling feature, which demonstrates a spectacular colour changing light show, which shows off dancing to the beat of the music.

The dance floor is very spacious and is located at the center of the room. It is a bit elevated so everyone can see all the people who are on it in whichever seat area you are in the bar.

Dumaan ako sa gilid ng dance floor papunta sa bar area nang may bumangga sa akin galing sa likuran.

Kumuyom ang aking kamao and I'm ready to give that someone a punch on the face pero pagtalikod ko ay isang morenang babae na halos wala ng suot na pang-itaas ang bumungad sa akin.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon