Chapter 30

9.1K 160 27
                                    

At a time like this, mahirap talaga ang makakuha ng reservation at the last minute. Mas lalo na ang walk-in, kaya kung saan nalang kami unang makahanap na may bakante ay doon nalang kami para makakain na.

"This place is not bad. It'll do." I said as I sat down on the chair.

Every corner you turn here in Paris, you'll gonna find a few tantalizing, retro-looking restaurants. There is no bad view or ambiance. So anywhere is fine, really. Especially if you are a tourist and you are looking to eat a classic traditional French food.

Dumating ang waiter to get our order, but it seems like he hasn't made up his mind yet on what's to order kaya humingi lang muna ako ng kaunting minuto sa waiter.

"Une minute encore, s'il vous plaît." I said courteously to the waiter and looked back at the confused man in front of me. "Anything you are craving for?" I asked.

He looked lost kasi while looking on the menu, may konting English naman on the menu but mostly French words ang nakalagay kaya siguro ay nahihirapan siyang pumili.

Sinara niya ang menu at inilagay sa gilid ng lamesa saka tumingin sa akin.

"Anything is fine. Do the honors, please." He said bashfully.

Binalik ko ang tingin sa waiter at matamis na ngumiti.

"Je voudrais quiche au saumon et Crevettes et hachis parmentier, pour lui. Merci."

"You're good at speaking French." He said after the waiter left us.

Natawa ako ng bahagya at umiling.

"I'm not. Their language is difficult, but I'm trying to learn it. Konti palang ang alam ko, and those are the basic ones that you hear every day."

French people that work in my mini company do understand and speak English, though they still prefer French since it is their mother language. Kaya kahit paano ay nag-aaral din ako mag-French para naman mas makausap sila, lalo na ang mga customers namin na nagpupunta sa store.

Nagkatinginan kami at binalot nanaman kami ng katahimikan. It's not awkward though. I feel him too because I also want to ask a lot pero parang okay nalang muna na nagkita at magkasama kami ngayon. Just staring and smiling at each other.

"Bon appétit." The waiter said after serving our food.

Na-enjoy naman niya ang inorder ko para sa kanya dahil naubos niya iyon. O baka gutom lang talaga o pwede rin na ayaw niya akong mapahiya kaya niya inubos ang kanyang pagkain. Hindi pa kami nag-uusap at puro ngitian lang kami na parang teenager na kaharap ang crush.

Nag-iipon lang din ako ng energy para makausap siya at mamaya ay wala ng tatahimik sa amin dahil magsisimula na akong mangulit.

My phone rang before we could stand to leave the restaurant. I answered it immediately without excusing myself on the table. I just gave him a smile and raised my index finger, signaling for him to wait for a moment.

Ngumiti naman siya at tumango kaya pinagpatuloy ko ang pakikipag-usap kay Lisa.

"...yeah, I'll be there tonight. Want me to help you cook?"

Natawa siya. "You're kidding right? Kailan ka pa nagluto? Anyway, be here at 6. Bye!"

"Wait!" Pigil ko. "Uh, can you make it for three? I'm with a friend." Medyo hiya kong sabi sabay sulyap sa aking kaharap.

Hindi naman siya nagpapahalata na nakikinig pero wala naman siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang tumingin sa akin kaya sigurado ako na rinig na rinig niya ang lahat ng sinabi ko.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon