Chapter 14

10.4K 191 17
                                    

Hapon na ng magising ako sa condo at si Ate Hope ay nakaalis na. Si Ace naman ay may maagang lakad kaya wala na rin sa condo.

Masakit ang ulo ko para bumiyahe, hindi ko kakayanin ang mag-drive ng napakahabang oras sa lagay na ito at siguradong gagabihin lang kami kapag nagpumilit pa ako na umaalis kaya I texted Dex that we'll just leave tomorrow morning instead.

He checked in at Hutllon Hotel this midnight. He's going to stay there for just a night sana, but I postponed today. So, I guess he will be staying there for another night. Hindi ko naman siya puwedeng patuluyin dito.

Every hour, I am texting him to check if he is still breathing. Baka kasi may naisipan ng hindi magandang gawin ang lalaking iyon. I'm worried he might break all of a sudden.

The key of my Audi is always with me para kapag hindi agad sumagot sa text ko si Dex ay agad akong makakalabas para pumunta sa hotel kung saan siya tumutuloy. Nakabihis na din ako kung saka-sakali lang.

Nakabili naman na ako ng regalo nung nakaraang araw kaya naisipan kong magbalot nalang ngayon sa aking kuwarto.

Maaga pa lang at hindi pa ako nakakapagdinner ay dinatnan na ako kaagad ng antok kaya kahit wala pang laman ang aking tiyan ay nakatulog na ako.

Pagkagising ay agad kong tinignan ang aking phone. Hindi ko na na-text si Dex kagabi at wala rin siyang mensahe para sa akin kaya nagmadali akong maligo at mag-ayos.

I wore a black sweater and tucked it in my denim skinny jeans with Gucci Marmont belt, and Christian Louboutin black pumps.

Kinuha ko na din sa hanger ang aking Zara gray wool coat saka mabilis na lumabas ng kuwarto paalis ng condo.

I saw Ace's note on my door on my way out saying na umalis na siya ngayong umaga papuntang mansiyon.

I kept on ringing Dex's phone kahit na nagdi-drive ako pero hindi niya iyon sinasagot.

"Come on, Devereaux!" Frustrated kong sigaw sabay dial ulit sa kanyang number.

Hindi ko na alam ang gagawin ko at gusto ko nalang na ma-transport na sa hotel na tinutuluyan niya.

Pagkarating ko sa Hutllon Hotel ay kulang nalang takbuhin ko na ang parking lot hanggang sa paakyat ng kanyang kwarto.

Wala naman na sigurong paparazzi dito pero wala na akong pakialam sa kanila. I'm fashionably ready to be photographed kaya magsawa sila.

Kumatok ako pagdating sa kanyang kuwarto pero hindi niya iyon binubuksan kaya sinubukan kong pihitin ang doorknob ng pintuan at laking gulat ko ng magbukas iyon.

Bakit hindi naka-lock ang kanyang pintuan??

Pagpasok ko ay nakita ko na nakadapa siya sa kama ng nakapantalon pa pati puting shirt. Mukhang nakatulog sa pagod, pero bakit naman siya mapapagod? Nandito lang naman siya maghapon.

The aircon is on full blast pero mukhang hindi siya nilalamig dahil hindi niya ginagamit ang comforter.

Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanyang gilid at tinignan ang kanyang mukha saka tinapat ang aking daliri malapit sa kanyang ilong para malaman kung himihinga pa ba siya.

He looks alive and still breathing kaya nakahinga ako ng maluwang. Akala ko kung napano na siya dahil hindi na siya nagtext at hindi niya rin sinasagot ang aking tawag.

Naupo ako sa malapit na cushion chair at nag-isip kung gigisingin ko ba siya o ano. Oras na at kailangan na naming bumiyahe but he looks so tired and I don't have the will to wake him up.

Ano ba ang ginawa niya kagabi? Did he...?!

Napatingin ako sa paligid at agad na tumayo to check on the bathroom.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon