Chapter 24

9.2K 147 6
                                    

Buong gabi si Dex lang ang laman ng aking isip. He loves me and he told me that a few times already. I love him too but I can't say it to him yet.

I'm going to pursue my dreams and he has to find his. I'm going to help him with that, I can't let him neglect his own for me. We both have to nurture ourselves and grow as a human. To develop and learn side by side together, not make each other the only priority in our life or else, our relationship will stagnate for sure.

I called Lisa and told her that I'm decided to go to Paris. She told me everything I will need and even gave me a list of papers to prepare. Sabay rin kaming kukuha ng Schengen Visa para makapunta ng Paris.

Every step, every progress ay sinasabihan ko si Lolo at masaya naman siya sa aking decision. He even wants to give me an extra money, which I rejected.

Lahat kami nila Ate ay may nakukuhang pera galing sa kanyang investments na diretso sa aming bank account at sobra sobra na 'yon.

Ginulo ko ang mga kaibigan ko na sobrang busy sa kani-kanilang buhay at kung hindi ko pa sinabi na aalis na ako ng Pilipinas ay hindi pa nila ako papansinin.

Niyaya ko silang lumabas para maglunch out pero si Arianne ay gustong magbar. Nagreretaliate yata sa boyfriend niya at gustong gumanti dahil nag-night out daw ito noong isang gabi without telling her.

Square Eights lang naman ang aming puntahan kaya sinabihan ko kaagad si Dex na pupunta kami and he said we're listed on VIP already. So much for having a boy- someone who works at that bar na kapatid pa ng may-ari.

Gusto ko na makausap ng maayos ang mga kaibigan ko kaya nagsabi ako na magdinner muna kanila Mayin before going to Square Eights. Sigurado kasi na wala ng matinong usapan kapag nasa loob na kami ng bar.

Of course, nagdala ako ng expertise ko na take-out food at 'yon ang aming kinain.

"So, you're going to leave the limelight now?" Mayin asked.

I'm finally leaving my socialite status. Ginive-up ko na 'yon when I decided to build my own company. Mas gusto ko na mag-focus sa business na gagawin ko.

"Extend ko lang hanggang Paris friend." Pabiro kong sabi.

"Hindi malayo na may paparazzi na sumunod sa'yo roon." Natatawang sabi ni Arianne.

Si Sam naman ay seryosong nakatingin lang sa akin na parang binabasa ang aking iniisip. At maya-maya pa ay hindi na niya napigilan ang magtanong.

"How about Dex?"

Sabay na napatingin si Mayin at Arianne kay Sam papunta sa akin.

They know what happened with the three guys I've dated. Wala na akong balita kay Jake pagkatapos ng feeding program at ganoon din kay Luke after I turned him down. Pero hindi nila alam how deep I am with Dex right now dahil kahit ako mismo ay ayaw pang umamin sa kanya.

Wala pa naman kaming label, though I know we are exclusive with each other. We have an understanding at sa ngayon ay okay na muna kami sa ganoon.

"We'll talk about it more. Wala pa naman akong final date." Maikli kong sagot.

Mukhang nakuha naman na nila ang sagot ko kaya iniba nalang nila ang usapan.

Pagkatapos mag-ayos ng lahat ay dumiretso na kami sa Square Eights. Agad naman kaming pinapasok ng door attendant ng makita niya ako sa mahabang pila sa labas.

"Girlfriend VIP pass with friends." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

"Thank you." Balik ko saka hinila na ang mga kaibigan ko papasok.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon