Chapter 32

8.8K 151 25
                                    

My eyes are locked on the screen of my phone. I lost all my contacts before but I know his number by heart. I already typed his phone number and I just have to click the call button, but I can't seem to do it. I'm nervous, baka wala akong masabing matino.

I think, I should personally see him. That way, we can talk much better and I can explain my side very clearly. I wonder if he still stay at his brother's house. Kailangan ko muna makausap si Mason, at dahil wala na akong contact sa kanya, isang tao lang alam ko na matatanungan ko.

Tinawagan ko kaagad si Kuya Caius para puntahan siya sa office or sa bahay nila. He told me he is at home because Ate Hope will have her check-up today, at sasamahan niya si Ate sa doktor.

Early in the morning ay nagpunta kaagad ako sa bahay nila para makausap siya. Dinatnan ko silang nag-aalmusal kasama ang biglang tumahimik na si baby Laurence. Kanina bago niya ako makita ay naririnig ko pa siyang nagsasalita, pero nang makita niya ako ay bigla nalang siyang tumahimik. Malamang ay naninibago pa na makita ako.

"Why so early? Is something wrong?" Ate asked.

Umupo ako sa tabi ng high chair ni baby Laurence habang pinapakain siya ni Ate. I waved at him pero tinitigan lang niya ako ng walang ekspresyon sa mukha.

"Okay, buddy. We will be close soon enough. You'll see this pretty face quite often." I said.

"You know Aunt Serene, baby. We always talk to her, remember? On mommy's phone." Si Ate.

Sumulyap sa akin si baby Laurence at binuka ang kanyang bibig para magsalita.

"Ice queen!" He said.

Napatingin ako kay Ate at natawa lang sila ni Kuya Caius.

"It's your hair. He likes watching that film na may queen. And her hair is white." Ate explained.

Nang inakyat na ni Ate si baby Laurence para paliguan, sinimulan ko naman ang kausapin si Kuya Caius at tanungin ang tungkol sa kanyang kaibigan.

Sumilay ang ngiti sa aking mukha ng sinabi niya na roon parin nakatira sa dati niyang bahay si Mason. That means, there is a big chance that I'll see my Love today. Kung hindi man siya nakatira roon, at least I can ask Mason. For sure he knows where his brother is.

Sa mga tingin palang ni Kuya Caius ay alam ko na na alam niya kung bakit hinahanap ko ang kanyang kaibigan. Kung tatanungin niya ako ay sasagutin ko naman siya perro wala naman na siyang iba pang sinabi kaya hindi na ako nagfollow-up question pa at hindi narin ako nag-explain.

Bumaba si Ate na nakabihis na ng pang-alis buhat ang anak niya na umiiyak. Nilapitan sila ni Kuya Caius at kinuha sa kanya si baby Laurence saka niya ito pinatahan.

"Umiiyak kasi iiwan namin. Hindi ko naman siya puwede isama sa ospital baka makasagap lang siya ng sakit doon." Si Ate.

Nagkaroon tuloy ako ng ideya. Since wala naman akong gagawin ngayon, nagpresinta ako na isama ko nalang ang baby nila, para na rin masanay sa kagandahan ko.

"Are you sure? Baka mahirapan ka."

Kinalkal ko talaga ang drawer ni baby Laurence at naghanap ng pang-alis niyang damit habang si Ate ay nagpapack ng gamit ni Laurence sa baby bag.

"Yes, we're going to be fine, Ate." Sagot ko sabay abot sa kanya ng napili kong outfit para kay Laurence.

Binihisan niya ang nakangiting anak at pinagmasdan ko kung paano niya ito gawin. The baby looks fragile, hindi kaya mabali ko ang buto niya kapag ako ang nagdamit sa kanya?

Bumaba kami at inabutan namin si Kuya Caius na inaayos ang car seat sa likuran ng aking sasakyan. Lumapit ako sa kanya at tinuruan niya ako kung paano gamitin iyon lalo na ang seatbelt. Pinaalalahanan din ako ni Ate sa ilang bagay na sinubukan kong alalahanin lahat.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon