Chapter 12

11K 162 18
                                    

           

Is this hold-up? Why is he here all of a sudden?

"No. Move."

I shooed him away pero tamad lang niya akong tinitigan at binigyang diin pa ang paglahad niya ng palad sa akin.

"I don't have time for this, Devereaux. Move!"

"Tumatagal lang lalo dahil sa'yo. Hand me your key. Now, Serenity." He said with the same hard voice as mine.

Why is this guy like this? Siya pa talaga ang nag-demand kahit ako naman ang may-ari ng kotse.

Sinubukan ko siyang iusog palayo sa pintuan ng aking kotse para makaalis na pero inalis lang niya ang kamay ko sakanyang braso ng walang kahirap-hirap.

Wala akong panahon sa mga kalokohan niya ngayon at nagmamadali na ako.

"Devereaux!" Pagalit kong sabi saka siya pinanlisikan ng mga mata. 

"Give me the key so we can go." He said lazily.

"We??!" My voice got one tone higher normal.

Sinabi ko naman sakanya na may lakad ako ngayon at hindi pasyal ang pupuntahan ko pero eto siya ngayon at nambubuwisit.

"Yes, We." He simply said.

Akma niyang hahawakan ang braso ko kaya lumayo ako bago pa niya ako mahawakan at umikot sa kabilang gilid ng sasakyan.

"No touching." Sabi ko saka hinagis sakanya ang aking susi.

He smiled sexily and opened the door with triumph. He won this round, but not the next.

Alam niya ang address ng pupuntahan kahit hindi ko sinabi sakanya. I shouldn't have gave the information to him. Dapat ay naisip ko na na gagawin niya ito.

Madami ng tao sa lugar at mukhang kain na kain na ang mga batang nakaupo sa loob ng open gym. 

Hinanap ko kaagad si Jake pagkababa ng sasakyan at iniwan na si Dex kasama ng aking Audi since feeling naman niya ay kanya iyon.

"Jake!" I called.

Napalingon siya sa akin at nangiti. Pawis na pawis siya bitbit ang isang malaking kaldero.

Lumapit ako sakanya at bumati. "Need help?" I offered.

Tumanggi siya sa aking tulong at pinasunod nalang ako sakanya na maglakad papaunta sa open gym kung nasaan ang mga bata.

"Upo ka nalang muna dito oh." Sabi niya at inilapit ang isang plastic na upuan. "Mabigat kasi ang mga ito baka hindi mo kaya." Dagdag pa niya.

Hindi ako umupo roon dahil nandito ako para tumulong at hindi para maging prinsesa. Kaya nga nag-shirt lang ako at pantalon. Shorts sana dahil mainit kaso ayoko naman na ibalandra nalang ang legs ko.

Makulit ako pero hindi niya parin ako hinayaang magbuhat kaya nagpasama nalang ako sakanya kung nasaan ang head ng organization na ito.

Ipinakilala niya sa akin si Mrs. Felicia Dominguez, the program head of the feeding program.

Nabigla pa siya ng magpakilala ako. She said, she knows about my generosity in charitable works and programs like this at hindi daw siya makapaniwala na nandirito ako ngayon para mag-volunteer.

"I want to give sacks of rice and donate some money narin po sana to help you guys with this feeding program."

"Ay hija, maraming salamat. Sobrang laking tulong 'yan para sa amin. Lalo na sa mga batang aming mapapakain."

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon