Chapter 39

9.5K 163 11
                                    

Maganda ang gising ko kinaumagahan. Sumilay kaagad ang ngiti sa aking labi pagkagising lalo na nang mabasa ang text ni Dex. Sabi niya na naihatid na niya ang aking Audi sa ibaba at iniwan ang susi sa reception, sayang lang at hindi ko siya naabutan pero energetic pa rin ako na lumabas sa aking kwarto. I even hummed the last song I heard from last night.

Masaya kong binati ng magandang umaga si Ace nang makita siya sa kusina na nagkakape and I saw a newspaper and an invitation sitting on top of the island so I went near it to look what's the invitation is about.

"What's this?"

"The what?" Tanong ni Ace na may halong panunukso.

Itinaas ko ang invitation sa mukha niya and I rolled my eyes after. Ako na ang nagbasa niyon at isa pala iyong invitation for a fundraising event.

"A fundraising event that Kuya Caius is helping. Remember, nung dinala niya si Ate Hope sa Maui? Nakagawian na every year at the same day." Ace explained.

"Oh, that."

"What's interesting is not that invitation..." Sabi niya sabay lapag ng tasa sa kanyang harapan at kinuha ang newspaper. "...but what is on the celebrity news on this newspaper." Mapang-asar niya akong tinignan saka niya inilipat-lipat ang pahina. "Ortega-Lopéz still on it." She said and showed me the picture on the newspaper.

I did not hide my smile from Ace at lalo pang lumapad ang aking ngiti nang mapagmasdan ko ang litrato namin ni Dex na nakalagay doon. It doesn't look like he hates me, actually he was caught looking at me. I know someone from our hacienda will also smile when he sees this article.

I flipped my hair exaggeratedly and turned my back from Ace. Hindi maalis ang ngiti sa aking mukha habang nagtitimpla ng kape.

Dahil hindi ako pumasok ng trabaho kahapon ay akala ko matatambak na ang aking trabaho o may sasalubong sa akin na nakakairiting problema, but everything seems to be okay and is running smoothly.

The reports I got are just the usual. May iilang aberya na nangyari sa imports, but no major damage has happened. I'm not just effective at work, but I'm also efficient. Wala akong pinalampas at lahat ay inasikaso ko ngayong araw. Nagkaroon pa ako ng time to go down on the ground floor and entertain some customers coming in our store.

Pagkatapos ng trabaho ay dumaan ako sa shop ni Anhelo para magpagawa ng gown na susuotin naming magkakapatid para sa fundraising event.

"Madam! Parang ang tagal na nating hindi nagkikita." Si Sam na gumagawa nanaman ng eksena.

There are a few women in the waiting area and they all turn their heads our way because of Sam's loud shrieking voice kaya sinaway ko siya para magtone down siya ng kaunti pero he just rolled his eyes at me.

Pati tuloy si Anhelo ay napasilip. Kinawayan ko lang siya at tinawag naman niya ako kaagad nang makita para pumasok sa may fitting area.

He kissed my cheek and Sam excitedly pulled me to the nearest chair.

"So? Kayo na ulit?" He asked.

"Ah, yes. That... man. I saw the news." Anhelo gave me a teasing look.

Tumawa lang ako at pinalo si Sam sa hita. "Excited?"

Maarte niyang tinaas ang kilay niya sa akin at itinuwid ang kanyang pagkakaupo. "Basta sa love life mo, oo Madam."

I zipped my mouth and gave Sam a teasing smile na ikinawala ng kanyang ngiti at masungit akong inirapan. Natawa nalang ako dahil alam kong hindi niya ako matitiis at mamaya lang din ay ititigil na niya ang kanyang pagkukunwaring pagtatampo.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon