Chapter 46

9.9K 165 19
                                    

"Shelley." Matigas kong sabi sabay lipad ng aking mga mata sa kanyang tiyan na hinihimas-himas niya.

She inhaled deeply and stood up straight, like a woman who is ready for a fight. But, I'm not here to fight her. I'm curious why she is here. After all the days that I've been in here, I've never seen her work behind the bar nor anywhere else in this bar, kahit sa Suadade pa.

"What are you doing over here? Didn't you see the sign out there? Employees only." She stressed out.

Hindi ko alam ang pinagpuputok ng butsi niya. Everytime she sees me, parang laging puputok ang bulkan. She really loves my presence, nagkaka-emosyon siya pag nakikita niya ako. Kung sa ibang pagkakataon lang ay mag-eenjoy ako sa pagkairita niya sa akin, pero may iba pa akong gustong malaman.

"Are you still an employee?" I asked getting irritated with her.

I don't want to start a fight, pero na-ti-trigger ang pagiging maldita ko sa pinapakita niyang ugali sa akin. At kung susugurin man niya ako rito o magsisimula siya ng eskandalo ng wala si Dex sa gitna namin ay hindi ko na alam ang mangyayari rito sa Square Eights.

"Yes." She proudly said and pointed her index finger on the hallway going back. "Now leave bago pa ako magtawag ng security para paalisin ka rito dahil employees lang ang allowed dito." Taboy niya.

Matalim ko siyang tinitigan at pinagmasdan ang kanyang mukha pababa. Still the red head woman I know, but something looks different. Physically.

"Hindi porke Lopéz ka na mayaman at sikat ay pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo!" Galit niyang sabi.

Bumalik ang tingin ko sa kanyang mukha at lalong tumalim ang aking titig sa kanya. Who the hell does she think she is? Hindi naman niya ako kilala ng personal at kung makapagsalita siya ay parang alam niya ang istorya ng buhay ko. Unang beses palang na makita niya ako ay kung anu-ano na ang pinagsasasabi niya sa akin and I don't appreciate it.

"Excuse me? Ano ba talagang problema mo sa buhay? O, pinaglihi ka lang talaga ng Nanay mo sa sama ng loob?" Balik ko sa sobrang inis.

"Bakit ka pa ba bumalik? Kung hinahanap mo si Dex dito para lang ipakita ang katawan mong nagamit na ng kung sinu-sino, sorry nalang dahil kaaalis lang niya ng bansa."

Nagpantig ng tainga ko sa narinig at gusto ko nalang siyang sampalin ng napakalakas pero pinigilan ko ang sarili ko na manakit. Hindi ako pinalaki ni Lolo Joaquin na isang eskandalosang babae kaya pinilit kong pakalmahin ang dugo kong kumukulo sa galit.

I can battle with words, and as much as possible I should avoid physical fights. Above all, class.

Napansin ko na ilang beses niya ng hinimas-himas ang kanyang mabilog na tiyan kaya hindi ko na rin napigilan ang magtanong.

"Are you pregnant?"

"Wala kang pakialam." Sagot niya sabay pasok sa locker room.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali kaya sinundan ko siya sa loob. Kahit pinanlisikan na niya ako ng mata ay wala pa rin akong pakialam. Kahit lumuwa ang mga mata niya ay hindi niya ako mapipigilan sa gusto kong gawin.

"Iniwan mo siya at ngayon ano?! I helped him get over you, Serene. Ako ang kasama niya noong iniwan mo siya. Nakita ko kung paano bumagsak ang mundo niya pero pinilit ko siyang bumangon, na maging maayos muli."

Walang may alam sa pinagdaanan ko sa Paris. Hindi rin naging madali sa akin ang lahat pero ni minsan hindi ko naisip na ituon ang pansin ko sa iba.

Sa paglipas ng bawat araw, iniisip ko kung paano ako makakabalik ng Pilipinas na successful. Pinagdarasal ko rin ang pangarap ni Dex na sana ay abutin niya pero hindi ko naisip na may Shelley siyang kasama.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon