Epilogue

23.7K 409 102
                                    

This is the last part of Elusive Heart. Thank you everyone for supporting Dex and Serene's love story! On to the next - Timid Heart ❤

Epilogue

Nagmadali ako sa pakikipag-usap sa team ng isang construction company na gumagawa ng aming magiging bahay ni Serene dahil pupuntahan ko pa siya sa kanyang trabaho. Gusto ko siyang abutan bago sila magsimula, pero pagtingin ko sa oras ay mukhang malabo na.

Dalawang buwan na simula ng maumpisahan ang pagpapagawa namin sa bahay, at napag-usapan din namin na magpakasal pagkatapos niyon na mabuo. They gave us 10 months timeframe for the house itself and 4 to 6 months more on the extras outside.

Pinauna ko na talaga ang bahay at pinili ko ang kumpanya na nagbigay sa akin ng pinaka maikling panahon para matapos ang bahay because I can't wait to marry Serenity as soon as I can.

I parked my car near the studio building where the photoshoot is happening. Serene is going to release her new 'lippies', that what she call them, within this month. Sabay ng pagbukas ng ilang pop-up store niya sa iba't-ibang mall sa buong bansa.

The news of our engagement came out like wildfire the next day after our party. I never experienced being chased or stalked before, and paparazzis are scary as hell. Hindi ko alam paano nakayanan ni Serene ang ganoong buhay, but I will endure anything for her.

Everyone recognized my face as I walked inside the building. May nagpresinta pa na babae sa akin na ihatid ako kung saang floor ang photoshoot at hindi naman na ako tumanggi sa kanyang alok para mas mapabilis na makita ko si Serene.

They started on time and I'm already one hour late. I want to see her model for her own brand, alam ko kung gaano ka-importante sa kanya ang ginagawa niya at nakikita ko rin ang suporta na ibinibigay niya sa akin sa aking trabaho.

Pagbukas pa lang ng pintuan ay rinig ko na kaagad ang napakaraming pagclick ng kamera. Dahan-dahan ako na naglakad papasok saka tumayo sa gilid para tignan siya habang nagpapa-picture.

"Damn..." I cursed after seeing her clearly.

Napansin ako ng mga staff at nang akma nilang kuhanin ang atensiyon ni Serene ay pinigilan ko sila. Itinaas ko ang aking hintuturo sa aking labi, senyas na huwag silang maingay at ibinalik ko kaagad ang tingin ko sa model ng Flâner.

She is sitting on a stool wearing a power suit with those high heels of her, and her long dark brown hair is curled loosely. Dang! She is killing it. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung kailan ako makaka-score sa model na ito.

Napakagat ako sa aking labi habang tinititigan siya. Naka-suit jacket nga pero naka-bra lang na panloob. I can see everything in here, paano pa kaya kung sa malapitan.

Tinignan ko ang photographer pero mukha naman na propesyunal ang dating nito. Sunod kong inilibot ang aking mata sa buong paligid para tignan ang lahat ng taong nandirito na pinapanood siya.

The men in front, who are assisting on the shoot, can't take their eyes off of my fiancée. I can't blame them because she is indeed a goddess on another level, lalo lang lumalaki ang ego ko knowing na ang pinaglalawayan ng karamihan ay akin lang at hanggang tingin lang sila.

"Okay, stay still Serene." The photographer said.

Lumapit siya kay Serene at hinawi niya ang buhok nitong mahaba sa kanyang balikat at inilagay sa likod. Ayos na sana kung hindi ko lang nakita kung paano niya sulyap-sulyapan ang dibdib ng fiancée ko. Mula rito sa gilid ay kita ko ang kanyang kahalayan.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya at binigyan ko pa siya ng isa pang pagkakataon pero lumagpas na siya sa pasensiya ko nang sinadya niyang ipadulas ang kanyang kamay sa itaas ng dibdib ni Serene. That's it.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon