Chapter 34

8.9K 179 16
                                    

Bumilis ang aking paghinga nang maramdaman na umalis si Dex sa aking likuran. I wanna shout or run away from here, but the man beside me is sending a threat to me. Pumikit nalang ako ng mariin saka nagdasal na sana ay may tumulong sa akin para makaalis ako rito.

Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan nang hawakan ng lalaki ang aking baywang, bahagya niya pa akong hinila saka tinapik niya ang kanyang hita para roon ako maupo.

Oh no, oh no.

I panicked, I don't know what else to do. I can't use my hands because of my dress. Hawak-hawak ko pa rin ang likuran ng aking damit para takpan ang mahabang punit nito.

Pinilit kong ilayo ang aking katawan sa kanyang pagkakahawak hanggang sa mainis siya at muli nanaman niyang inilabas ang kanyang pocket knife. Bumilis ang tibok ng aking puso sa sobrang takot habang nakatitig sa matulis na bagay na iyon.

No one else notices my struggle, lahat ay may kanya-kanyang pinagkaka-abalahan. Hindi pa nakatulong ang madilim na bar para makita ng mga tao ang masamang balak ng lalaking mukhang manyak na ito sa akin.

Nangiti ang lalaki nang hindi na ako pumiglas pa. Baka tuluyan na niya ako kaya minabuti ko nalang na sumunod sa kanyang kagustuhan. I don't want to worsen the situation, moreover, ayokong masaktan kaya kahit magmukha akong babaeng cheap sa aking gagawin ay babalewalain ko nalang.

Paupo na ako sa kanyang kandungan nang biglang may humablot sa aking braso palayo sa lalaking pangit na manyak. Tumama ang aking likuran sa katawan ng humila sa akin at sabay na nagsidatingan ang security at ilang bouncer.

Hindi na nakapalag pa ang dalawang lalaki kahit na mukhang gusto pa nila na manlaban at kusa nalang na sumama sa security, pero binigyan pa muna ako ng lalaki ng masamang tingin at dumila pa sa kanyang pang-ibabang labi pagkatapos bago maglakad palayo.

Nandiri ako sa kanyang ginawa kaya iniwas ko nalang ang aking tingin at humarap sa kabilang gilid.

"Sir, kung pwede lang po kayo sumunod sa akin para magbigay ng statement. We need proof that they are harassing her."

Rinig kong sabi ng isa sa security.

"Are you okay?"

Pagkaharap ko sa lalaking sumagip sa akin ay biglang naglaho ang aking kaba at takot. Dex is looking at me with a hint of worry in his eyes.

I knew it. My Devereaux is still there, we still have a chance. He's just mad, but I know I can rectify it. Pipilitin kong ipaintindi sa kanya ang ginawa ko kahit paulit-ulit at hindi ko siya titigilan hanggang sa bumalik ang aking Devereaux.

He grabbed my hand but I pulled it back and put both my hands at my back. Tinakpan ko ulit ang aking likuran sa ibaba ng aking puwitan at umiling sa kanya.

"My dress... The man tore it."

Napatingin siya sa may bandang hita ko at pabalik sa aking mukha.

"Give me your bag." Sabi niya sabay lahad ng kanyang palad.

Hindi naman na ako nagtanong o ano at agad ko ng tinanggal ang aking body bag at ibinagay iyon sa kanya.

"Come on."

Hinila niya ako at pinauna ng kaunti sa kanya na maglakad. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa ibaba ng aking puwitan at iginaya ako sa isang kuwarto na mukhang opisina.

"I'll call the security guy, are you good to tell him what happened?" He asked and guided me to sit on the sofa at the side.

I just nodded my head at him after I sat properly and he called the security outside. Sinabi ko ang buong pangyayari ng walang dagdag o bawas habang si Dex ay tahimik na nakayuko lang na nakasandal sa kanyang lamesa hanggang sa matapos kaming mag-usap ng security.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon