Chapter 33

9K 156 20
                                    

Inalis niya ang aking mga kamay sa kanyang katawan at inalalayan paupo sa barstool. Nang maka-upo ay pinagdikit niya ang aking mga hita at hinawakan ang aking tuhod saka yumuko para pulutin ang iilan pang cards ko na nagkalata sa sahig.

Kumurap-kurap ako para luminaw ang aking paningin at nakita ko na hawak niya ang isang ID na matagal ko ng tinatago. Hinablot ko iyon sa kanya gamit ang aking dalawang kamay para sigurado na makukuha ko iyon saka ko pinagsiklop ang aking mga palad para itago ang ID.

Napailing lang siya at ibinaling ang atensiyon sa glass na nasa counter. Kinuha niya iyon na may kaunti pang laman saka tinignan at inamoy, pagkatapos ay ininom ang sobra na ikinakunot ng aking noo.

Matalim niya akong tinignan saka siya nagtawag ng bartender. Nanghingi siya ng tubig ng hindi inaalis ang tingin sa akin. I'm not used to his angry stares but I didn't let it affect me too much. What is important is that, he is here in front of me.

Tinaas ko ang aking isang kamay para hawakan ang kanyang mukha pero bigla niyang hinuli iyon saka niya pinahawak ang isang baso na may lamang tubig.

"Drink it."

Sinunod ko naman siya at pagkatapos kong inumin iyon ay may iniabot nanaman siyang isa pang baso na may lamang tubig na tinanggihan ko na. I can already feel my bladder full, hindi ko na kayang uminom pa ng liquid. Plus, I'm feeling okay kaysa sa kanina.

"More." Pilit niya.

Kinuha ko ang baso sa kanyang kamay at inilagay iyon sa countertop sa aking likuran. Pagbalik ko ng tingin sa kanya ay nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga habang nakatingin sa baso ng tubig.

Well, he can be mad at me over that freaking water, but I will not drink it dahil naiihi na ako, pinipigilan ko lang dahil gusto ko siyang kausapin.

I tried to gather my mind together but I'm distracted with my bladder. Ang sakit na ng pantog ko at hindi na ako makapag-isip ng maayos.

"Wait here." I said.

Hindi ko na talaga kinaya kaya tumayo na ako na hawak parin ang kanyang ID. Inalalayan naman niya ako hanggang sa talikuran ko siya saka ako mabilis na naglakad papunta sa comfort room. Iniwan ko ang aking clutch bag sa may barstool para hindi siya makaalis, sana lang ay hindi niya iyon iwan doon.

Nagmadali akong lumabas pagkatapos para balikan siya pero paghila ko palang ng pintuan ng banyo ay nakita ko na siyang nakatayo na naghihintay sa may labasan.

Nakahinga ako ng maluwang dahil hinintay niya ako at hindi siya umalis ng walang pabasabi. I was afraid that he will leave again.

He put his hand on the small of my back when I got near him and guides me at the back of the bar.

"Wait, wait. My bag!" Pigil ko.

Itinaas niya ng kaunti ang kanyang kabilang kamay at ipinakita ang aking vintage Chanel tassel bag. I reached for it pero mabilis niyang naiwas iyon and lightly pushed me to walk faster.

Malapit na kaming makalabas sa likuran kaya bigla akong nagpanic. I don't want to go home yet, I still need to talk to him.

"Devereaux..."

Tuloy-tuloy parin ang lakad niya kasama ako at hindi pinapakinggan ang aking pagtawag. Wala na akong nagawa kaya paglapit sa pintuan ay hinarang ko ang aking katawan roon para hindi niya mabuksan.

"We need to talk." I said.

Naningkit ang mga mata niya sabay kiling ng kanyang ulo.

Okay, I'm here. This is it. This is my chance. I can't back down now.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon