Chapter 35

9.1K 176 24
                                    

After the party we had at Children's Village, natulog at nagpahinga lang kami sa mansyon at kinabukasan ay sabay-sabay na lumuwas pabalik ng Maynila. Dala ko ang aking Audi kaya sumunod nalang ako sa Range Rover na dala ni Kuya Caius sakay ang mga kapatid ko at si baby Laurence.

Pagdating ko sa condo ng natulog pa uli ako at pagkagising ay naligo saka nag-ayos kaagad. I'm going back to Saudade tonight, I'm going to fight for love. And this time, I'm much more than determined to have him back.

I tucked in my pink silk floral, deep V-neck blouse that shows my black bralette in my black pants and wore a Gucci belt. Pinag-isipan ko pa kung maghi-heels ako or flats pero kinikindatan ako ng pumps ko kaya iyon nalang ang aking isinuot. Kakayanin ko naman na habulin siya kung sakali man na tumakbo siya, walang makakapigil sa akin.

"Wow. Going somewhere?" Bati ni Ace pagdaan ko sa living room.

"Don't wait for me, good night! Love you!" Kinindatan ko siya saka nagflying kiss at mabilis na naglakad palabas ng condominium.

Bumalik ako sa Saudade pero nag-park ako sa Aston Hotel. I plan on staying late in the bar tonight kaya kukuha ako ng room sa hotel just to be safe. Baka mapainom rin ako at mabuti na ang sigurado. I can't risk having an accident or what.

Pagkatapos magcheck-in, I went up to my room and faced the vanity mirror. I polished my wavy hair and checked my face before heading out. Nagpalit pa ako ng shade ng lipstick, I'm loving shades of browns these days and I feel prettier on it. It looks naturally classic.

Hindi tulad sa Square Eights na dire-diretso ako, dito mukhang kailangan ko pang pumila. Nakapasok na ako noon pero the doorman is not familiar with my face yet at ayokong ma-kick out ng hindi nasisilayan si Dex. Kailangan kong makapasok sa loob at dahil may pila, kailangan kong sumunod doon.

Hawak ko na ang ID ni Dex at nang ako na ang sunod sa pila ay iniabot ko kaagad ang ID na aking hawak. Susundan ko palang sana ng supportive sentence ay nginitian na niya ako.

"Welcome, Ma'am."

Pinapasok niya ako ng wala ng iba pang hinanap o ano at hindi naman na ako nag-inarte dahil baka magbago pa ang isip niya. Siguro ay namukhaan naman niya na ako kaya hindi na siya nag-alinlangan pa. Pumasok ako sa loob at agad na tumingin sa bar area.

Napapigil ako ng hininga nang makita siyang nagtatrabaho behind the bar. Tinitigan ko na muna siya sa hindi kalayuan ang guwapo niyang mukha, nakangiti siya at mukhang masaya habang nakikipag-usap sa customer.

"Okay, Serene. You got this." I cheered for myself.

Huminga ako ng malallim at humugot ng lakas ng loob saka naglakad palapit sa bar area. Umupo ako sa bakanteng stool kung saan siya malapit at nagtaas ng kamay. I just hope he doesn't run away when he sees me.

We locked eyes for a few seconds and that sends my heart into space. The twinkle in his eyes is not present like it was used to be, but his presence is more than enough to make me go gaga over him.

Nakuha at naging akin na siya noon pero iba pa rin ang epekto niya sa akin ngayon, lalo sa bago niyang pananamit, buhok na laging nakaayos, at katawan na mas lalong naging makisig. Paano pa kaya ang ibang babae na gusto siyang makuha? I can't imagine their desires at umiinit ang ulo ko kapag naiisip ko na madami ang lumalandi sa kanya. Pero I must compose myself, I'm different.

Lumapit siya at matamis akong ngumiti sa kanya. Hindi ko pinansin ang nakakunot niyang noo at umorder nalang ako ng alak.

"A bourbon, neat."

I need to boost my confidence because he is sucking it all out of me, pati na rin ang aking hininga. I need to do something to make this right, but first, I'll get enough courage from drinking a glass of alcohol.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon