Chapter 45

11.3K 159 2
                                    

Without consulting anyone, I removed the splint on my wrist and even the gauze on my forehead. I just used a clear strip on it and leave my right arm alone. Hindi ko nalang gagalawin iyon masyado at ibabalik nalang ang splint kapag wala ng ibang makakakita.

Hindi na kami nagpang-abot ni Ace kagabi dahil maaga na rin akong nagpahinga kaya hindi ko na kinailangan ng excuse. At ngayon ay parang wala lang na nangyari dahil tinanggal ko ng ang ugly accessories ko. Make up would do on my forehead para kahit paano ay matakpan ito.

Paglabas ko ng aking kwarto pagkatapos magbihis at mag-ayos ay agad akong sumilip sa kusina pero walang tao kaya napahinga ako in relief. Mukhang nauna na umalis si Ace.

Magtitimpla pa muna sana ako ng kape pero aabutin ko palang sana ang aking tasa ay biglang nagtext si Dex at sinabi na nasa ibaba na siya para ihatid ako sa aking trabaho kaya mabilis na bumaba ako sa lobby kahit hindi pa nakakapag-agahan.

Nangiti kaagad ako nang makita ang kanyang jet black Miata sa driveway. Mas okay pala na wala akong kotse, araw-araw ko siyang makikita at lalong gaganda ang araw ko dahil sa magandang simula nito.

Bumaba siya sa kanyang kotse nang makalapit na ako at umikot para pagbuksan ako ng pintuan.

"Good morning!" I greeted and kissed him on the cheek.

"Good morning to you too. But, something is missing...." He said, observing my whole body.

"Let's go." Sabi ko at kaagad na pumasok sa kanyang sasakyan.

Nakita ko na hihirit pa sana siya pero ako na ang humila sa pintuan para matigil siya. Baka paakyatin niya pa ako uli para lang kuhanin ang pangit na kulay blue na wrist brace.

Pagkapasok naman niya ay binigyan niya ako ng may bahagyang sama ng tingin.

"Where is your wrist brace? And, is the cut on your forehead healed already?" He asked as he examines my face.

I smiled and gently turned his face ahead on the road. "Go drive. I'm going to be late."

"This talk is far from over." Matigas niyang sabi sabay maneho ng kanyang sasakyan.

Nagpa-drop nalang ako sa kanya sa harap ng Flâner at sinabihan siya na huwag na akong sunduin mamaya pero ang sagot lang niya ay tatawagan niya ako.

Maaga siyang gumising para sunduin ako at ihatid sa trabaho gayong mamayang gabi pa ang kanya. Kung tutuusin ay hindi niya kilala ang araw dahil kapag gigising siya at lulubog naman na ang araw. The moon is his friend, doon buhay ang oras niya.

There is a lot of work to finish at kahit ilang beses pa ako tinext ni Dex na huwag muna masyadong magtrabaho ay hindi ko pa rin pinansin. I have to work or else lalo lang akong matatambakan ng gagawin. I need to hold my fortress and guide my people. Feeling ko naman ay magaling na ako except for my wrist, iyon nalang talaga. Ang hirap gumawa ng araw-araw na gawain gamit lamang ang isang kamay, lalo na I'm not a lefty.

Habang nagliligpit ng aking gamit bago umuwi ay may kumatok sa aking pintuan.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa ibaba, ground floor po."

"Handsome or not?" Biro ko.

"Ay guwapo po, Ma'am Serene." Kilig niyang sabi na ikinatawa ko nalang.

Bumaba ako at nakita ko ang guwapong lalaki na tinutukoy ng aking employee na naglalakad-lakad habang pinagmamasdan ang mga make-up products sa bawat isle.

Tataguan ko palang sana siya para sorpresahin pero parang naramdaman na kaagad niya ang presensiya ko dahil napasulyap siya sa aking gawi. He smiled and I waved my hand at him while holding my bag.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon