Chapter 8

12.2K 212 7
                                    


Dex stopped into a sports hall that turned out to be a rather barren concrete building. It's dark and it seems that there is no electricity here either.

Wala rin akong nakikita na malapit na bahay o tirahan dito. It's like the whole village is abandoned. Parang nagkaroon lang ng plague at hindi na ulit na-rebuild.

"Those people will not know you're here. They will not even attempt to look here." He said casually as he fixed his motorcycle.

Una akong bumaba ng motor sa kanya at mabilis na inayos ang aking damit saka inabot sa kanya ang helmet.

Kinuha ko ang phone ko sa aking bag para tignan ang oras, it's almost 1am. Wala rin signal dito kaya ibinalik ko nalang iyon sa loob ng aking bag.

"Are you done with your shift? You didn't just left your work, did you?" I asked.

He is still working when I left the bar. Hindi naman pwedeng umalis nalang siya bigla. Ang dami na nga niyang off tapos tatakas pa siya. Mawawalan talaga siya ng trabaho sa ginagawa niya. Baka mamaya ay sisihin niya pa ako.

"Don't worry about it." He said while his back is on me.

Umikot-ikot pa ako ulit para tignan ang aming paligid. How does he know this place by the way?

"Have you lived here before?" I curiously asked.

Natawa lang siya at umiling.

Well, it's still a sensible question. Alam niya ang lugar na ito at mukhang hindi ito ang first time niya na magpunta dito.

Wala naman na magandang tanawan dito, nakakatakot pa nga na anytime ay pwedeng may lumabas na holdaper o killer.

Naglakad siya papalapit sa may malaking puno kaya sinundan ko siya.

Umupo siya sa may damuhan, legs apart, his elbows resting on his knee, habang ako ay mas piniling tumayo sa kanyang harapan at sumandal ng bahagya sa puno.

It's hard to sit on the ground in this tight dress kaya tatayo nalang ako. Sanay ako sa pagsuot ng heels kaya okay lang na tumayo ako ng matagal. Isa pa, hindi naman siguro kami magtatagal dito sa lugar na ito.

Only the sound of the crickets can be heard in the silence of the night. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.

Napakatahimik niya kaya napatitig nalang ako sa kanya kahit na ang layo ng kanyang tingin, although ako naman ang nasa kanyang harapan.

Ano kaya ang iniisip niya ngayon? May mabigat kaya siyang problema?

"Devereaux." Pagtawag ko sa kanya ng mahinahon.

"Yeah?" He answered pero ang mga tingin niya ay nasa malayong dako parin.

"Why here of all the places?"

"It's quiet." Maikli niyang sagot.

Tahimik nga pero hindi ba nakakatakot dito, lalo na kung mag-isa ka lang?

He looks strong but what if madaming tao ang sumugod sa kanya? Kaya niya ba 'yon? Naisip niya ba ang bagay na iyon?

"Puwede rin naman sa park. Tahimik din doon." Suggest ko.

And, it's safer. Hindi katulad nito.

Tipid siyang ngumiti. "It's too beautiful to look at. Hindi bagay sa buhay ko."

That's deep. May pinagdadaanan ba siya o hindi talaga maganda ang buhay niya? Mukha naman siyang hindi laki sa hirap dahil sa kanyang kutis at itsura. Baka he is just struggling in life.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon