Chapter 49

12.2K 167 27
                                    

Gaya ng dati, umalis din siya kaagad papuntang Paris kung kailan naging maayos kami para sa pag-aayos ng kanyang winery. I'm just hoping na wala ng makakagulo sa amin this time.

I busied myself at work and Dex is video calling me everyday in his favorite time of the day which is midnight. Hindi naman na ako nagrereklamo dahil nasanay na ako at kahit hindi na ako nagsasalita ay ayos lang sa kanya. Madalas ay nakakatulog lang din ulit ako habang kausap siya at pag gising ko ay siya naman ang tulog. Pambawi nalang namin ang iilang text sa isang araw. It's hard to communicate with the time difference and with the work we are doing.

My phone pinged when I'm about to go home early so I can go to the lab to get the sample lipsticks. I checked it before going out just to see Lisa's email to me.

I know it's all about work kaya binuksan ko iyon kaagad. Lisa wants me to go in Paris for a workshop. It's not just an ordinary workshop but it is a five day Cosmetics Workshop that has intense session which covered a range of topics that were most relevant to the entrepreneur in the cosmetics industry.

Alam ko na makakatulong iyon sa akin para sa karagdagan na kaalaman and also to be informed on the latest trends at kailangan ko na rin na balikan para tignan ng personal ang progress ng Flâner sa Paris.

Hindi ko na muna sinagot si Lisa dahil gusto ko pang pag-isipan ng maigi ang workshop na sinasabi niya. Next week na iyon at hindi naman ako nakapaghanda kaya dumiretso nalang muna ako sa lab. Kinuha ko lang ang samples na pinagawa ko at umuwi na sa condo.

Kinagabihan ay nagpadala uli ng mensahe si Lisa sa akin. This time, she said it's an emergency. May malaking problema raw sa pag-acquire and partner namin with the tech company at kailangan ko silang kausapin bilang owner ng Flâner or we might lose them.

I couldn't let that happen, we need that tech company kaya nagreply ako at sinabi na lilipad ako kaagad papuntang Paris para maayos ang problema.

I booked the earliest flight the next day going to Paris. Sinabihan ko lang si Ace at kumaripas na ako ng alis kinaumagahan ng wala ng maletang dala. Just one travel bag and that's it. Kung may kakailanganin man ako ay makakabili naman ako roon. Isa pa, madami pa akong naiwan na gamit sa aking apartment.

Kausap ko si Dex kagabi pero hindi ko sinabi sa kanya na pupunta ako ng Paris. Maganda rin pala na ngayon nagkaproblema ang Flâner sa Paris dahil nandoon siya at pwede ko pa siyang sorpresahin. Malapit lang ang vineyard niya sa aking apartment kaya pwede ko siyang makita.

Sinundo ako ni Lisa sa airport. She's so excited nang magkita kami at parang kinikilig-kilig pa sa hindi ko malaman na dahilan. Iisipin ko na wala naman talagang problema sa Flâner at gusto lang talaga niya akong makita.

"I'm so happy to see you, Serene. Quoi de neuf?" She asked as she maneuvered the car.

I looked at her not so happily. I would be jumping in joy right now kung bakasyon lang ang ipinunta ko rito. Pero hindi pa nga lumalapag ang eroplano rito sa Paris ay hindi na ako mapakali kakaisip sa problema sa Flâner. Ang dami ko pa rin na inaayos sa Pilipinas at ngayon pa nangyari ito.

"I'm doing really good, Lisa. Kakakuha ko lang ng lipstick samples ko kanina sa Lab pero naiwan ko sa condo. Papakita ko sana sa'yo kaso nagmamadali rin ako mag-empake kaya nakaligtaan ko na."

"Oh, I trust your skills. Can't wait for it to come out in the market." Excited niyang sabi.

Hinatid niya ako sa aking apartment para makapagpahinga because tomorrow we will have a meeting with that tech people. She is not staying in my apartment anymore since I left last year at kasama na niya ang boyfriend niyang French.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon