Chapter 9

11.9K 208 10
                                    

Buong gabi akong ginulo ni Dex sa kanyang mga text at paminsan ay tumatawag pa, pero lahat iyon ay hindi ko pinansin.

Tumigil lang siya manggulo nang mag-alas diyes na ng gabi. Hula ko ay may trabaho kaya na-busy na. Mabuti naman ng mapahinga ang cellphone ko, nakakaawa na kasi.

Hindi ko naman alam kung bakit hawak-hawak ko ang phone ko kahit saan ako magpunta at parang naghihintay ng kung ano.

"Ugh! I hate you."

Hinagis ko sa kama ang phone ko at lumabas nalang ng balcony para magpahangin. Malapit na ang pasko at malamig na ang simoy ng hangin.

Ang presko at ang sarap tumambay ditto sa balcony ni Ate pero hindi talaga ako mapakali kaya nang mainip sa kakatingin sa mga sasakyan sa labas ay pumasok nalang ulit ako sa aking kwarto.

Ayoko pa sanang tignan ang phone ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya kinuha ko iyon sa kama at binuksan.

I pursed my lips when I saw no new messages or missed call. Luke hasn't landed yet dahil hindi parin niya ako minemessage.

Datirati ay wala naman akong hinihintay na may magtext sa akin at madalas pa nga na binubura ko lang ang mga texts galing sa unknown numbers. Pero bakit bigla-bigla nalang ay hindi ako mapakali sa kahihintay ng kung anong mensahe na dumating.

Napabuntong hininga ako at humiga nalang ng kama. Ititulog ko nalang ito at bukas I'll make myself busy.

Nakukuha ko na ang tulog ko ng biglang nagring ang phone ko. Wala sa sarili ko na iyong kinuha at antok na sinagot.

"Hello?"

It's so loud at hindi ko marinig ang nagsasalita.

"Hello?" Ulit ko.

Nang walang nagsalita ay inangat ko ang aking phone to see who's calling but it's just a number at hindi koi yon kilala.

I quickly ended the call and put my phone on silent saka ko itinuloy ang aking tulog.

Pagkagising ko ng umaga ay wala paring text o kahit ano galing kay Luke o kay Dex. Naalala ko naman si Jake na hindi ko alam how to contact, hindi rin naman siya nagpaparamdam.

Pagtayo ko ay wala na sa condo si Ate pero nag-iwan siya ng lutong ulam sa breakfast island.

I know it's for me dahil wala naman ng ibang tao dito sa condo at pag dinner ay nagluluto naman siya ulit para sa aming dalawa. Pag may event ako sa gabi ay laging nasa refrigerator ang sobra kaya hindi talaga ako magugutom dito.

Nangiti ako. Pwede na talaga mag-asawa si Ate.

Naalala ko tuloy si Kuya Caius at dahil wala akong magawa, siya ang inistorbo ko.

"Yes, Serene? Is your Ate okay?" Bungad niya.

I rolled my eyes. Si Ate agad? Hindi ba pwedeng aasarin ko lang siya kaya tumawag ako?

"She's at work. Didn't she text you good morning?" Simula ko.

"She did."

"Didn't she told you she's at work already?"

"She did."

"Did she cook for you too?" Pang-asar ko.

Pinipigilan ko ang tawa ko dahil baka mapikon siya. Lagi pa naman siyang nakasimangot at mukhang hindi pwedeng mabiro.

"Hmmm. Yum. Broccoli and chicken teriyaki breast." I said, when he did not answer.

Nakuha ko pa talaga siyang inggitin at nang hindi parin siya sumagot ay nakuha ko na talagang matawa.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon