Chapter 20

10K 219 20
                                    


Lisa and her team arrived 5 hours before the gala event. Nagset-up lang muna sila sa condo at pagkatapos ay nakipagkuwentuhan sa amin bago kami ayusan.

Tinignan ni Lisa ang aming gowns at kinausap ang kanyang team para sabihin ang kanyang ideya kung ano ang babagay na make-up look sa bawat isa sa amin.

My gown is one of Anhelo's Diamond collection. It's a dark gray beaded lacey tube sweetheart cut with plunging neckline that runs up to my stomach and a very daring steel blue color long flowy skirt that has a baring double high slit that shows both my legs.

"I think we should go for a bronze natural smokey eyes and then we can updo your hair, leaving some strands here and there. What do you think?"

I smiled to Lisa on the mirror. It's stylish and elegant looking. Also, the look will surely fits my gown.

"You're a genius."

Lahat ng ginagawa at ginagamit niya na make-up sa aking mukha ay binibigyan ko ng buong pansin. Matagal lang sa eye make-up, making blendings and all that. Eyeliner, mascara, at lalong nag-glow ang mga mata ko ng lagyan ng false eyelashes.

"Is this waterproof?" I asked. Holding the mascara that she used.

"Yes. Don't worry, pati ang eyeliner smudge free. Alam ko naman na hindi mo masyadong gusto ang eyeliner but look, may effect yan. Tsaka iiyak ka ba?"

We'll never know what might happen later at the event. Kung magkaiyakan man sa drama na magaganap mamaya, at least I know that the make-up won't ruin my already pretty face.

"Hypoallergenic..."

"You're interested in make-up." Lisa said.

Hindi ko napansin na nakabalik na siya galing sa pag-asikaso kay Ace.

Ngumiti lang ako and busied myself again on the different products in front of me.

"You know I can help you if ever you want to venture on that kind of business." She said.

Napatingin ako sakanya at nag-isip. Should I tell her what's on my mind?

"Well..." Nag-alinlangang pa ako pero sa huli ay bumigay din.

Wala pa naman akong plano, naiisip ko palang. But if she can help me like what she said, then maybe I can share my thoughts with her. Isa pa, maalam siya sa ganitong bagay. I can use her advice.

"Naiisip ko palang naman." I shared.

"I thought so. Kaya ka ba namili ng sobrang daming make-up sa GlamCorner's Festival?"

Marahan lang akong tumango. Hindi ko pa naman nasusubukan ang mga iyon at nakapack parin hanggang ngayon sa aking kuwarto. Kapag nagkafree time ako ay kikilatisin ko ang mga iyon isa-isa.

"You have the money, the skills, and you're very natural at fashion. Madali lang 'yan. If ever you want to pursue the cosmetic business, you have me to help you. We'll do it step by step." She offered.

Dahil sa sinabi niya ay lalo akong naengganyo na ituloy ang balak ko. I'll do a little more research about it at pagkatapos ay babalikan ko siya sa kanyang offer. Pag-iisipan ko na muna ito ng mas maigi.

Dex told me he'll just meet me at the event. Alam niyang nagrent lang ako ng limousine para sa amin at sigurado akong hiniram nanaman niya ang sasakyan ng kanyang Kuya. Buti ay pinapahiram pa siya nito.

I can't wait to see how he looks tonight. I wonder kung ano ang napili niyang design at kulay ng tuxedo. Bagay niya kaya ang naka-formal?

Wala na akong iba pang accessories except for the bracelet that Dex gave me and my gray stiletto heels. Lace at beaded na ang top ng gown and I don't want to overdo it. It's already glamorous just the way it is.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon