Chapter 25

9K 169 9
                                    

Halos hindi na ako kumurap habang titig na titig sa Kuya ni Dex. He is still standing pero umupo rin pagkatapos ng ilang sandali sabay buntong hininga. Hinilamos pa niya ang mukha niya bago ako tignan.

He looked so stressed about something and I'm getting nervous each second that is passing.

"It's just that Dex keeps on talking about you and Paris." Simula niya.

Napalunok ako sa narinig. Dex is always saying na sasama siya o susunod siya sa akin sa Paris kaya gusto niyang malaman ang progress ko sa pagkuha ng visa. Hindi ko naman hiningi iyon sa kanya at kusa niyang desisyon ang magpunta ng Paris.

Ang hindi palang namin napag-uusapan ay kung paano ang pagpunta niya roon, what he will do at lahat lahat. Because, we can't stay in the same roof, that is no-no. Magtatrabaho ako roon at siya paano? Wala naman siyang nabanggit na plano sa akin, he just kept on saying that he'll come with me.

"You know my brother. Matigas ang ulo niyan at walang gustong sundin, hindi nakikinig. Buti nga ay napagtrabaho ko. But, I didn't expect na hanggang pagiging bartender nalang ang gugustuhin niya. I thought kapag na-experience niya iyon at nasanay siya sa bar ay maiisip niya ang gusto namin para sa kanya. Pero wala."

Napailing nalang siya at parang nawalan na ng pag-asa.

Dex told me about his family. Ang gusto nila para sa kanya, ang patakbuhin ang brewery ng parents niya or ang ideya ni Mason na gumawa ng sarili niyang business. He told me that they don't let him decide for himself, but talking to his older brother made me realized na they are just helping him find his purpose.

Sa nakikita ko rin kasi kay Dex, he enjoys life in general. Walang plano, just go on with the flow. Pero paano kung wala na ang pamilya niya? Paano siya? He has to do something for himself, he needs to see that.

Hirap siyang hanapin ang pangarap niya at parang iisang linya lang ng buhay ang nakikita niya, lalo na ngayon. Ganoon din ako noong una, I thought being socialite would be a lifetime for me until someone opened my eyes and I realized that there is more to me that just being a socialite.

"Did you two decide on this? Going to Paris together?" Mason asked.

Mabilis kong iniling ang aking ulo. That is not the plan. Actually, wala pa kaming masinsinang usapan tungkol doon dahil inaayos ko pa ang lahat. I'm also unsure about him coming after me in Paris kaya madalas ay sinasabihan ko siya tungkol sa business ng Kuya niya. I'm trying to help him but he doesn't want to listen.

"No po. Ako lang talaga ang pupunta sa Paris to pursue business, but he wants to come with me at hindi ko po siya mapigilan."

Sinasabihan ko si Dex ng progress dahil ayokong magtampo siya sa akin but little did he know ay hindi lahat sinasabi ko. I'm still trying to convince him to stay here and do business.

"That dickhead!"

Mura niya ng nakayuko. He is trying to control his temper pero kaunti nalang ay mukhang mapipigtas na ang kanyang pasensiya.

Hindi ako nagsalita pagkatapos and tried to stay calm. Nag-isip din ako ng pwedeng gawin o sabihin but nothing came out. Hindi ko na rin alam ang dapat ko pang gawin.

"When are you leaving?" Tanong niya.

"Wala pa po. Naka-schedule palang ako ng interview for visa application and Dex doesn't know about it yet."

Tumango-tango siya at tumingin sa paligid. I think he is thinking of something.

"So... we'll have more time..." Bulong niya.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon