Chapter 36

8.8K 150 15
                                    

Hindi siya kumibo at blanko lang niya akong tinitigan. Wala siyang ni anong ekspresyon na ipinapakita, and I think that's better rather than him running away from me.

Ngumiti ako ng bahagya despite my nervousness. "I really do. I'm going to get you back, Devereaux."

Umiling lang siya ng kaunti pagkatapos ng ilang sandal saka tumalikod muli at ipinagpatuloy ang kanyang pagpupunas ng mga kopita.

I smiled, I take that this is a progress because he didn't walk out on me. It is a positive reaction for me. Kahit paunti-unti at mabagal ay kaya kong maghintay. I'll court him until he says yes to me. Mas lalo tuloy akong nabubuhayan.

Masaya akong pinagmamasdan ang kanyang liod hanggang sa naglakad siya at umikot palabas ng bar area, kaya sinundan ko siya papunta sa kanyang opisina kung saan niya ako dinala noon. Ang tunog lang ng aking heels ang maririnig at wala ng iba.

Binuksan niya ang pintuan at mabilis akong sumunod sa kanya papasok. Ako na ang nagsara niyon at umupo ako sa sofa sa gilid gaya ng dati habang siya naman ay naupo sa kanyang swivel chair na may lamesa.

Hindi naman niya ako tinitignan o kinakausap pero ayos lang sa akin basta hindi niya ako tinataboy paalis. Ang makita lang siya ay sapat na sa akin sa ngayon.

Nag-ring ang phone ko ilang sandal lang at sinagot ko kaagad iyon ng hindi tinitignan ang caller para tumigil sa maingay na pagtunog nito. I don't want to disturb Dex or else, he might kick me out and whoever this caller is will receive my wrath.

"Hello?" Pabulong kong sagot.

"Serene, are you okay?"

Boses ni Luke ang narinig ko pero para makasigurado ay bahagya kong inilayo ang aking cellphone sa aking tainga para tignan ang caller. It's indeed Luke.

"Hi! Yes, yes. I'm fine." Mahina kong sabi sabay harap sa wall sa gilid.

"Why are you whispering? Where are you?"

"At a bar."

"Then why is it so quiet? And it's still early to go to bar. Are you really okay? Please, tell me if you are not." Rinig ko ang pag-alala sa kanyang boses.

"I'm really fine, Luke. Um, I'll call you back okay?"

Pag-end ko ng call ay sinulyapan ko kaagad si Dex na busy pa rin sa ginagawa niyang kung ano sa kanyang laptop. Sana pala ay nilakasan ko ang aking boses ng kaunti habang kausap si Luke, baka sakaling magselos siya, but I doubt it. He doesn't care.

It's so boring at sobrang aga ko nagising kanina at kusa ng pumipikit ang aking mga mata kahit anong pigil ang aking gawin. My eyes snapped open when my head fell forward, tingin agad ako kay Dex at buti nalang ay hindi niya nakita. Nakakahiya kung sakali.

Hindi ko alam kung paano ako pupuwesto sa sofa, gusto ko talaga matulog pero hindi naman ako makahiga. Masyado na akong nagsasamantala, hindi na nga niya ako pinaalis.

Sinimplihan ko nalang at umurong ako sa pinakagilid saka sumandal sa sofa. Itinagilid ko ang aking ulo away from Dex para makatulog kahit papaano ng hindi nahahalata.

Nangawit ang leeg ko kaya nagising ako at parang magkaka-stiff neck pa yata ako. Inikot ko ng dahan-dahan aking ulo at nag-panic nang makitang wala na si Dex sa kinauupuan niya kanina. Tumayo ako kaagad at nagmadaling lumabas sa kanyang opisina para hanapin siya.

I shouldn't really take my eyes off of him, daoat ay maigi ko siyang bantayan, or else, he will escape.

"Aawwwie!"

Napahawak ako sa aking ulo at leeg nang may mabanggang tao sa sobrang pagmamadaling lumabas ng opisina. Harang-harang naman kasi sa pintuan, paano nalang kung may dala pala akong kutsilyo? E 'di nakapatay pa ako ng wala sa oras.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon