Chapter 38

9.1K 188 27
                                    

Humarap ako sa kanya saka ako kumanta ng kantang happy birthday para sa aking sarili habang hawak ang cake. Ngumiti pa ako sa kanya ng matamis pagkatapos at inilapit ng kaunti sa kanyang mukha ang cake.

"Blow the candle for me."

He just looked at my face very sharply that I don't get the way he looked at me kaya bago niya pa ipakal sa mukha ko ang cake na aking hawak ay muli akong nagsalita.

"Oh, wait. I'll make a wish first." Bawi ko.

Pumikit ako at huminga ng malalim. I only have one wish right at this moment, and that is to have Damian Devereaux Ortega again. To love me back... eternally. Once and for all.

Pagbukas ko ng aking mga mata ay wala na si Dex sa aking harapan at wala na rin ang sindi ng kandila sa ibabaw ng cake.

How will my wish come true now? Inunahan na niyang patayin ang hiling ko bago pa makarating sa dapat na makarinig. It's like a premonition that says I don't have a chance on having him. Siya na ang mismong pumigil sa aking hiling. Ang saklap lang.

But, who said I can't have what I want when I want it? I'm Teal Serenity Azucena-Lopéz and I will claim what's rightfully mine. I won't back down, it's just a wish anyway. No need to fret.

Nakita kong lumabas siya galing sa kanyang dressing area na nakabihis na na pang-alis. No time for me to lag seeing him wear a dress shirt and pants good for work kaya mabilis kong inilapag ang cake sa kanyang kama saka hinila siya ng bahagya papasok sa kwarto at hinarang ko ang aking sarili sa pintuan.

"Where are you going?" Panic kong tanong.

"Work." Mabilis niyang sabi saka ako bahagyang itinabi palayo sa pintuan.

"Wait, wait." Pigil ko sabay balik ng aking katawan sa may pintuan. "It's still early for you to go to work. Plus, I brought food with me. Let's eat first before you go."

"I'm not hungry."

Hindi ko mapigilan na maipakita ang lungkot sa aking mga mata pagkasabi niya niyon. Napayuko nalang ako para itago ang sakit na aking naramdaman. Isa nanamang tarak sa aking puso ito. I don't know much more of this I can take, but even if my heart won't stop bleeding, I will continue to take it until he gives me the final blow.

Iniangat ko ang aking ulo pagkatapos ng ilang sandali at pinilit na ngumiti sa kanya.

"Will you eat if I leave you alone? The cake..." Tinuro ko iyon sa kanyang kama. "...it's caramel. I know you'll like it."

Wala na sa akin ang tingin niya at napahinga pa siya ng malalim na parang pinipilit na hindi magalit. Alam ko na lumampas na ako sa hangganan niya ngayong araw kaya kailangan ko ng umalis bago pa siya sumabog sa galit sa akin.

I don't want him to say things he won't mean just because he is angry. Ganoon din ako at nakuha ko na ang saksak ko ngayong araw. Makakauwi na ako.

"Please eat before you go to work. I'll go now." Malungkot kong sabi.

Nakatayo lang siya sa aking harapan pero nakagilid ang kanyang ulo sa kanang direksiyon, kaya bago umalis ay hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. Kahit iyon nalang ngayong araw pambawi niya sa aking kaarawan ay ayos na sa akin.

Tumalikod ako at bumaba papunta sa may kusina para kunin ang aking bag na naiwan. Dinatnan ko pa na nakaupo roon ang mag-asawa pero hindi pa kumakain.

"Where's Dex?" Tanong ni Mason sabay tingin sa aking likuran.

Umiling lang ako at tipid na ngumiti sa kanila sabay kuha ng aking bag.

"Thank you for letting me in, Mason. I'll go to work now." Paalam ko saka nginitian si Stella.

Pagtalikod ko ay nakita ko si Dex na nagtungo sa hapag kainan. Tinignan ko lang siya na naupo roon at sinimulan niya ang paglagay ng pagkain sa kanyang pinggan. Nagkatinginan lang kami ni Mason at si Stella na nakaupo rin kasama ni Dex sa hapag ay parang nagyelo sa kinauupuan.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon