Chapter 22

9.1K 163 9
                                    

I spend the rest of the afternoon in our condo together with Ace while waiting for Ate Hope and Kuya Caius to arrive.

Bago sunduin ni Mason sina Ate ay idinaan na muna niya si Dex dito at sabay naman niya ay ang pagdating ng kaibigan ni Ate na si Ate Jane.

Excited niya akong nilapitan saka ko ipinakita ang picture ng singsing na sinend ni Ate sa aming group chat.

"Wow... That must cost a fortune. Hidalgo ba naman ang magbibigay ng singsing sayo. Haayyyy, Ako kaya kailan?"

Natawa ako ng bahagya sa kanya. Na-miss ko tuloy ang mga kaibigan ko na busy sa kani-kanilang buhay.

We surprised the newly engaged couple pagkarating nila at gulat na gulat si Ate Hope. Pinagkaguluhan naming girls ang kanyang singsing at pagkatapos ay nagkaroon lang kami ng simpleng dinner.

"...your soon to be wife will be my relative soon enough."

Narinig kong sabi ni Mason kay Kuya Caius. Kanina pa sila nagbabangayan and I wonder kung ganoon ba talaga sila mag-usap. Para kasing hindi normal.

He is talking about me and Dex for sure pero ayokong pangunahan kaya hindi ko nalang pinansin at nagpatay malisya.

There is certainly a mutual understanding between us but we are still on the process of making a label. Ayoko rin namang magmadali at masaya naman na ako sa kung ano ang mayroon kami ni Dex ngayon.

"When are you free?" Bulong ni Dex.

I shrugged my shoulders at him. I'm gonna meet my friends this week, at naisipan ko na rin na kausapin si Lisa tungkol sa business na gusto kong gawin.

"Have a date with that pilot?" Medyo inis niyang tanong.

Hindi ko sinabi sakanya ang naging pag-uusap namin Luke at mas okay siguro na hindi muna niya malaman dahil baka maging kampante siya masyado.

"Maybe." I answered.

"Wala ba siyang flight o ano, hindi pa ba siya lilipad paalis ng Pilipinas?"

Sinipa ko ang kanyang paa sa ilalim ng lamesa and glared at him.

"What?" He lazily said. "You can't blame me. I'm trying to win this love triangle."

Pinigilan ko ang sarili ko na mangiti and tried to maintain my bitch poker face. He wants to win at wala man lang siyang kaalam-alam na wala ng triangle. Kami nalang dalawa ang natira. Tignan ko na muna kung ano pang iba niyang gagawin para makuha ang aking matamis na oo.

"Am I winning the race?" Tanong pa niya.

Umiling ako saka tumayo para magpunta sa balcony. Iniwan ko siya sa dining room at bago pa siya makasunod ay narinig ko ang kanyang Kuya na tinawag siya para uminom kasama ni Kuya Caius.

Pinagtimpla rin ako ni Ace ng kape at kasabay niyang lumabas sa balcony si Ate Hope.

Nagulat ako sa pagtatapat ni Ate tungkol sa nangyari sakanila ni Kuya Caius pero I can see how they love each other and sabi nga ni Ate, they feel more connected because of it. Ikakasal naman na rin sila at mukha namang hindi na siya pakakawalan ni Kuya Caius.

Maaga na rin nagpaalam sila Mason at pinuntahan ako ni Dex sa may balcony bago sila tuluyang umalis.

"I'll see you when you're free? Or I can be your plus one on your events." Pilyo niyang sabi sabay kindat.

Natuwa naman ako noong sinama ko siya sa fundraising event. He never showed a boring face or whatever at siya pa ang nagbigay ng buhay sa akin sa event na iyon at hindi malayong isama ko ulit siya sa susunod. Gusto ko rin siyang makita in that tuxedo ulit.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon