Chapter 26

9.2K 160 3
                                    

Sumisikip ang dibdib ko sa nalalapit na araw ng aking pag-alis. I'm so ready to start building my dream but I can't seem to go yet. Nahihilo na ako kakaisip.

Pagkagising ko palang sa umaga ay kinulit ko na agad si Dex, but he is not replying nor answering to my calls. Alam ko na mahimbing pa siyang natutulog galing sa trabaho pero gusto ko na siyang makita at makausap.

It's hard to be in the condo alone, walang makausap at wala akong magulo. Ate is with Kuya Caius just seeing that everything is okay on their wedding the next day and Ace is always out.

Ngayon na rin ang dating nila Lolo Joaquin dito sa Maynila galing Hacienda Hermosa and they will be staying at Elite Peak. Ganoon na rin ang ilang bisita nila na galing sa iba't ibang lugar. Pero hindi ko naman maiistorbo si Lolo dahil siguradong pagod siya mamaya pagdating niya kasama sila Manang Josie, Mang Caloy, at Ate Jenna.

Nag-aral nalang ako magsalita ng French mag-isa para malibang pero sinukuan ko rin iyon. Ang hirap at wala akong maintindihan. Wala pa naman ang boung focus ko kaya maybe some other time nalang.

Should I cook my own food? My mind instantly answers a big N and O. Unless I want to start a fire that is.

"Come on. Do something, Serene." I said to myself.

Naisip ko ang mga kaibigan ko. Bago ko pa makalimutan at hindi na sila makita bago ako umalis, I decided to buy a little something for them. They are working today at dadaanan ko nalang sila isa-isa sa kanilang mga trabaho.

Since my slave is out of order as of the moment, ako na muna ang nagpunta sa mall na mag-isa at nag-shopping for my friends. I don't think I'll need more clothes or anything anymore dahil aalis narin naman ako kaya para nalang sa mga kaibigan ko ang binili ko.

I'm near Anhelo's shop kaya nauna na ako na dumaan kay Sam pagkatapos mamili.

"Helloooo!" Bati ko pagkapasok ng shop.

"Madaaaaammm!!" Sigaw ni Sam sabay takbo papunta sa akin at nakipagbeso.

"Surprise!!"

Bahagya ko siyang tinulak ng hindi niya ako pansinin at sa may pintuan siya bumaling na parang may hinihintay.

Iniwan ko siya at pinuntahan nalang si Anhelo sa loob. May kausap siya sa telepono pero tinapos din kaagad ng makita ako.

"Oh my Gosh, Serene. What are you doing here? May problema ba sa mga gowns na ginawa ko?" Taranta niyang tanong.

Nakuha na namin last week ang mga gowns for Ate Hope's wedding and they are all amazing. Lalo na ang wedding gown ni Ate. Very elegant gaya ng magsusuot.

I smiled and shook my head. "They're perfect. Bumisita lang ako. I hope you don't mind iniistorbo ko ang assistant mo."

He waved his hand in the air. "No problem." Sabi niya saka umupo. "Where is he by the way?"

Tinuro ko ang palabas. "He is waiting for someone, I think."

"Hindi darating, madam?"

Speaking of the.... Narinig kong sigaw ni Sam.

Nagpaalam ako sandali kay Anhelo saka binalikan si Sam. Hinila ko siya paupo sa sofa at binigay ang dala kong paper bag.

"Ano 'to?"

"Ayaw mo?" Masungit kong sabi sabay bawi ng paper bag sa kanya na hinila naman niya pabalik.

He hugged me and the paper bag I gave him saka ako binigyan ng mapanuring tingin.

Elusive Heart (Eligible Heiress #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon