CHAPTER 9-"THE DEAL" & CHAPTER 10--- "What to decide?"

187 8 0
                                    

CHAPTER 9—“THE DEAL”

“Accept of what is, let go of what was, and have faith in what will be.”

Namie’s POV

“Paano kung binibigyan ka ng chance ni God para baguhin ang nakatakda, aayon ka ba dun o hahayaan mo na lang na... siya na ang magpasya?” sabi ng babae mula sa malayong puno na mayabong ang dahon.

Hindi ko makita ang pagmumukha niya pero sigurado ako na maganda siya. Nagliliwanag siya sa sobrang ganda.

“Pumili ka Naomie, nasa sayong mga kamay na ang iyong kapalaran. Piliin mo kung saan ka magiging masaya.” Dugtong pa ng mahiwagang babae bago siya mawala sa kanyang kinakatayuan.

Nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog, ang ingay na sa labas ng clinic.

Uwian na siguro. Madilim na nga. TAMA lang pala ang gising ko.

YES!!! Exempted sa klase!hahaha...

Oo, tanggap ko na...

Natrapped na ko sa nakaraan ko at ang tanging magagawa ko na lang ay ang subukang di mabago ang aking hinaharap. Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon.

“Best, andito na kami. Dala na namin ang bag mo.” Sigaw ni Cassie

Bumangon na ko at nag-out sa record book ng clinic.

Name : Naomie Santiago sulat ko...

Age: 22 ay mali pala, so binura ko ulit at nilagay ang 14.

Sickness: Dizziness,,, pwede na yan.

“Thank you po ma’am...” sabi ko kay Mrs. Velez

“Walang anuman, akala ko nga wala ka ng balak bumangon eh, gigisingin na rin sana kita kanina kaso lang nahihiya ako sayo ansarap kasi ng tulog mo. Pero sana nga gising ka na talaga. HAHAHA” sarkastikong sabi ng clinician

“HAHAHA Oo naman po Ma’am! Dilat na dilat na po ako ooh!! (0_0)” sabi ko habang nilalakihan ang bilog ng mata ko.

“Tama na yan friend, wala ng pag-asang lumaki pa yan, ganyan na talaga yan. hehehe”—Ivy

Nakasakay na ako ng tricycle papuntang bahay namin. Kasabay ko si Ivy at nauna akong bumaba, at nagpaalam na sa kanya. Pero bago pa ako napahiwalay sa kanya may iniwan na naman siyang bugtong sakin.

Sabi niya...

"Maraming tao sa paligid natin ang pwedeng maapektohan sa bawat kilos at galaw natin, kaya dapat matuto tayong pumili ng mga desisyon natin na siguradong may magandang idudulot sa buhay nila. Sila ang mas higit na mahalaga. Hindi ang sarili ko o a ng sarili mo. Sila muna bago ikaw.”

Matalinhaga talaga kahit kalian ang babaeng yun oh. Hay buti na lang kaibigan ko siya at naiintindihan ko ang ugali niya. Ganun din kaya siya sa iba?

Nakarating na ako ng bahay. Wala pa si papa. Una kong nakita si Mama, at agad ko siyang niyakap. Ang saya ko kasi ngayon kasama ko si Mama, sa present life ko kasi nasa probinsya namin siya eh kasama ang bunso naming kapatid na babae at si nanay yung lola ko. Doon sila tumitira. Kumain na ko at ginawa lahat ng ritwal ko sa katawan bago matulog. Nakatulog ako ng di nakikita si Papa, yung very first boyfriend ko. HAHAHA Love na love ko yun eh!

“Good night Ma! I love you!” sabay kiss ko sa pisngi ni mama.

“Nakakapanibago ka ha?Masarap ba luto ko ngayon?”at bigla akong kiniliti ng walang tigil.

Alam niya talaga ang weakest part ko. HAHAHAHAHA kaya wala rin akong tigil sa kakatawa.

“HAHAHA HAHAHA Tama na MA! Matutulog na po ako. Night MA!” huling sambit ko bago ako pumunta sa higaan ko at natulog.

Dirty Little Game called "LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon